Jane Oineza admits breakup with Kyle Secades

IMAGE Courtesy: @janeoineza on Instagram

Jane Oineza reveals breakup with boyfriend Kyle Secades came two weeks after her friend Barbie ImperialĀ broke up with Paul Salas.Ā 


Hiwalay na si Jane Oineza at ang boyfriend nitong si Kyle Secades pagkatapos ng apat na taong relasyon.

Ipinagtapat ito ng Kapamilya actress sa panayam sa kanya ng Magandang Buhay nitong Miyerkules, September 19.

Sabi ni Jane, "Single po ako."

Kasamang panauhin ni Jane sa morning program ng ABS-CBN ang mga matalik na kaibigang sina Barbie Imperial at Ysabel Ortega.

Ayon kay Jane, magkasunod lang nangyari ang breakup nina Barbie at Paul Salas at sila ni Kyle.

"Two weeks. Nauna po siya [si Barbie] nang kaunti. Halos sabay kami.

"So, noong may pinagdadaanan siya noon, nag-a-advise din ako kasi parang similar [ang pinagdaanan namin]," sabi ni Jane.

Nitong nakaraang Hulyo lamang umugong ang hiwalayan nina Barbie at Paul.

Sina Jane at Kyle ay parehong naging housemates sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother, ngunit sa magkaibang season.

Si Jane ay kasama sa PBB All In noong 2014, habang si Kyle naman ay kabilang sa Teen Edition ng PBB: 737 noong 2015.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN