Jerald Napoles opens up about stalking his exes to ensure closure

IMAGE Noel Orsal

Jerald Napoles admits reaching out to ex-girlfriends and meeting with them to find out the feeling is gone. "Mararamdaman mo na lang kapag nagkita kayo na, ay, wala na pala talaga. Pero malaki pa rin porsiyento na hindi mo makakalimutan," he says.


May rebelasyon si Jerald Napoles na ini-stalk niya ang dating girlfriend at nakipagkita siya rito pagkatapos ng ilang taon.

Ito ay dahil sa gusto niyang malaman kung nakalimot na siya nang tuluyan.

Ini-stalk at mineet din daw ni Jerald noong nasa Paris siya ang dating French girlfriend at ka-live-in.

Kuwento niya, “Yung last, yung French na ex ko, naka-move on na ako.

“Pero gusto ko lang malaman ang pakiramdam kapag nagkita kami, kasi doon mo malalaman na wala na.

“Nag-iinuman pa kami, ha, as in madaling-araw. Kung tutuusin, maglalandian na kami nun, pero wala.

“Kuwentuhan sa veranda ng Paris. Parang movie! Sosyalin!” natawang hirit niya.

Ang napatunayan daw ni Jerald ay hindi kailangang may bagong kerelasyon para masabing nakapag-move on na siya.

“Kanya-kanyang desisyon sa buhay yan, e.

"Maaaring hindi ka pa nakakapagdesisyon na mag-move on, pero minsan, talagang nakapag-move on ka na pala.

“Mararamdaman mo na lang kapag nagkita kayo na, 'Ay, wala na pala talaga.'

"Pero malaki pa rin porsiyento na hindi mo makakalimutan.”

Ilan taon na ring single si Jerald. Umiiwas na ba muna siyang makipagrelasyon o naging choosy lang siya?

“Hindi naman choosy!” natawang sabi niya.

"Hindi ko naman kinu-close ang idea na magka-dyowa, it’s more on enjoy ko lang ang trabaho.

“Ang sarap lang na i-enjoy itong trabaho na ‘to, hindi ka lang basta nagtatrabaho; talagang trabaho lang muna, iba yun, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jerald sa mediacon ng pelikula nila ni Alex Gonzaga, ang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Kita na unang film venture ng Wilbros Films.

FITTING IN WITH KAPAMILYA STARS

Excited ang Kapuso actor para sa Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Kita dahil nakatrabaho niya rito ang ilang Kapamilya stars, kabilang na si Alex Gonzaga.

Saad niya, “Nakaka-excite lang kasi first time kong makipag-collaborate with the people from the other network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Alex ang sayang katrabaho, ngayon ko nakita na may character talaga na minsan sinasabi nating bagay dun sa actor.

“Ito yung si Alex, bumagay talaga sa character niya, best of both worlds ang ginawa niya rito; nakakatawa na nakakaiyak.”

Sa ibang interview ay nagpahayag din daw si Alex ng excitement na si Jerald ang makakasama niya sa pelikula dahil magaling daw itong aktor.

“Wow!” natutuwang reaksiyon ni Jerald.

“Actually, ang nagustuhan ko sa trabaho namin ni Alex… siya ang lumapit sa akin, siya ang naunang mag-open ng topic.

“Siya talaga ang kumausap sa akin unang-una, kasi ayoko rin istorbohin dahil babae iyan, may space iyan. Mabigat pa ang role.

“Kilala niya raw ako dahil napanood niya ako sa pelikula at medyo natutuwa raw siya sa akin.

"Noong nalaman daw niya na ako ang nakatrabaho niya, mukhang masaya raw.”

Nasa pelikula rin ang ABS-CBN actor na si Vin Abrenica, at ang director nila na si Fifth Solomon ay associated din bilang Kapamilya.

Kumusta naman?

Tugon ni Jerald, “It feels great, kasi it means naa-appreciate kahit sa kabila o kung sino man sa mga tagakabila ang nagagawa ko.

“And ako naman, non-partisan naman talaga ko. Nagtatrabaho lang.

“Ibig sabihin, mas lumalawig at mas lumalawak ang aking network.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN