Pokwang hits back at haters: "Perfect?"

IMAGE @pornstar_roviel on Instagram

Kapamilya comedienne Pokwang lashes back at haters who criticized her over video of her baby playing with her cake. 


Idinaan ni Pokwang sa Instagram ang mensahe niya sa haters na bumabatikos sa kanya dahil sa previous post na kinasasangkutan ng kanyang anak na si Malia.

Saad ng quote na ipinost niya nitong Martes, September 18: "Dear haters, don’t criticize me for my flaws and mistakes, when you can’t even see your own."

Caption dito ni Pokwang, "Perfect??????"—na malinaw na patama sa kanyang mga kritiko.

View this post on Instagram

Perfect??????

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Nag-ugat ito sa in-upload niyang video ng pagdiriwang ng ikawalong buwan ng anak na si Malia.

Sa video, makikita na pinaglalaruan ni Malia ang kanyang cake.

Maraming netizens ang nag-react at pinuna ang pagsasayang diumano ng cake.

May isa namang netizen ang nagtanggol kay Pokwang at sinabing nagsisimula pa lang maging curious ang sanggol at mapapatawad ito sa pagsira sa sarili niyang cake.

“Ang hirap kasi maraming makikitid ang utak,” sabi pa ng netizen.

Pagsang-ayon ni Pokwang, “Marami kasing nagmamatalino para bang anak ko lang ang unang gumawa non sa buong mundo!”

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN