Benjamin Alves confirms two-year relationship with Julie Anne San Jose

IMAGE Noel Orsal

Benjamin Alves on his relationship with Julie Anne San Jose: "Happy kami. Parang tapos na kami dun sa kailangang may patunayan…"


Inamin na rin ni Benjamin Alves na dalawang taon na ang relasyon nila ni Julie Anne San Jose.

Ito ay matapos aminin mismo ni Julie Anne sa isang radio interview na mayroon siyang boyfriend at sinabing si Benjamin nga ito.

Sa tanong kung ilang taon na ang relasyon nila, sinabi ni Julie Anne na dalawang taon na silang magkarelasyon.

Kagulat-gulat ang paglalahad ng singer-actress dahil pareho silang hindi ganoong ka-vocal tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Nakangiting sabi ni Benjamin tungkol sa pag-amin ni Julie Anne, “Parang wala na akong reaksiyon… I mean, hindi naman po namin itinatago, e.”

Dalawang taon na nga raw sila ni Julie Anne.

Ayon pa sa Kapuso actor, “Happy kami. Parang tapos na kami dun sa kailangang may patunayan…”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin Alves sa taping ng Kapuso teleserye na Kapag Nahati Ang Puso sa Floridablanca Doctors Hospital Inc., sa Pampanga, noong September 12.

Masaya rin si Benjamin sa pagkapanalo ni Julie Anne bilang Female Pop Artist of the Year sa Star Awards For Music.

Ito ay para sa album nitong Chasing The Light under GMA Records.

Saad ng aktor, “I’m happy for her… ang sabi ko nga, e, ano ba yung word?

“Parang bagong chapter sa career niya… music-wise, parang nagma-mature yung music niya.

“Nakakatuwa po na may growth po… parang may growth pa po yung music niya, sa dami-dami nang nagawa niyang album.”

Hindi raw nabati ni Benjamin nang personal ang girlfriend dahil nasa location taping siya.

Kuwento niya, “Sinubukan ko as much as possible na… parang later pa yung categories niya, e, may taping ako.

“Magka-text po kami, e, sabi ko, ‘Kailangan ko na yatang matulog kasi parang 6 a.m. ang call time ko.’

“So sabi ko, ‘Good luck.’ But nagising po ako parang mga 2 a.m., pauwi na po siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinend po niya yung screenshot ng post niya na nanalo nga po siya.”

Bukod sa pagti-text ng congratulations ay nagpadala rin daw agad ng bulaklak si Benjamin para sa kasintahan.

“Yun naman po hilig talaga ni Julie, e,” sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN