Sharon Cuneta alludes to wrong person that she loved before

IMAGE Noel Orsal

Sharon Cuneta alludes to an unnamed person who is among the "wrong people" whom she regrets wasting her time on in the past. 


Nagpahaging si Sharon Cuneta na pinagsisisihan niyang minahal noon ang isang taong hindi raw marunong magpakatotoo.

Base ito sa Instagram post ng Megastar kahapon, September 19, kung saan nagbahagi siya ng isang quote card tungkol sa mga taong hindi karapat-dapat pag-aksayahan ng oras.

Sabi rito: "I don't regret my past. I just regret the time I have wasted with the wrong people." 

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Sa comments' section, isang netizen ang nagtanong kay Sharon, "Madame po ba?" 

Sagot ni Sharon, "yung iba at least totoo. ISA LAAAAAANG ANG FEELING KO HINDI." 

Bagamat walang pinangalanan si Sharon, may ilang netizens ang nanghula na posibleng ang dati nitong mister na si Gabby Concepcion ang tinutukoy ng Megastar. 

Lalo pa't hindi kaila sa publiko ang hidwaan sa pagitan nina Sharon at Gabby pagkatapos ng naunsiyami nilang pagkakaayos noong Pebrero. 

Kamakailan lang ay nabanggit ni Sharon na clueless siya kung bakit bigla na lang silang nagkasira ulit ng kanyang ex-husband. 

Sa panayam niya sa Gandang Gabi Vice noong September 9, inihayag din ni Sharon ang masalimuot na nakaraan nila ni Gabby na akala niya ay siya na talagang makakasama niya habambuhay, kasama ng anak nilang si KC Concepcion. 

"Ang masakit sa akin talaga, nung nag-asawa kami, yun talaga ang gusto ko.

"Parang feeling ko I found my prince, kasi fairy tale na yung buhay ko, e.

“Ito na yung tuldok. Wala na akong gusto sa buhay.

"Gusto ko na lang buhay ko siya tsaka yung bata."

Pero sa kabila ng lahat ng ito, bukas pa rin daw si Sharon na maging kaibigan ulit si Gabby. 


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta on Gabby Concepcion:
Sharon Cuneta on Gabby Concepcion: "Sana okey kami."
Gabby Concepcion keeps mum on Sharon Cuneta's tirades
Gabby Concepcion keeps mum on Sharon Cuneta's tirades
Sharon fires back at bashers and a person she did not name
Sharon fires back at bashers and a person she did not name
Sharon offended by
Sharon offended by "power-tripping" of Gabby's camp

Sa parte ni Gabby, pahapyaw itong nausisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanila ni Sharon sa isang presscon noong September 17. 

Dito ay nabanggit ni Gabby na willing itong makipag-duet kay Sharon sa 40th anniversary concert ng huli kahit pa may tampuhan sila. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ PEPALERTS: Gabby Concepcion, willing makipag-duet kay Sharon Cuneta kahit may tampuhan sila


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN