Daniel Matsunaga breaks silence on invalidated doctorate degree from Nueva Ecija school

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @dandanmatsunaga on Instagram

Daniel Matsunaga still grateful for doctorate degree conferred by Brethren Evangelical School of Theology (BEST) in Nueva Ecija despite being invalidated by the Commission on Higher Education (CHED).


Nagsalita na sa wakas ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga tungkol sa natanggap niyang Doctorate Degree in Humanities, Major in Social Work mula sa Brethren Evangelical School of Theology (BEST) na pinawalang bisa ng Commission on Higher Education (CHED).

Iginawad kay Daniel ang nasabing parangal noong September 9 sa Gapan, Nueva Ecija.

Masaya pa niyang ibinahagi ito sa kanyang Instagram account.

Ngunit noong September 11, naglabas ng pahayag ang CHED na walang kapangyarihan ang BEST na maggawad ng doctorate degree dahil hindi raw nag-apply ang eskuwelahan ng authority to operate sa kanila.

Hindi rin kinikilala ng ahensiya ang BEST na kabilang sa Higher Education Institutions (HEIs) ng bansa.

Pero ayon sa pahayag ni Daniel na umere sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN ngayong Huwebes September 20, ang dapat daw mag-usap ay ang BEST at CHED.  

Aminado rin si Daniel na naapektuhan siya at ang kanyang pamilya sa isyu.

Pahayag ng actor-model, “Well, I understand that I’m part of showbiz and my name will be all over.

“I guess most of the questions that you guys have today, I guess BEST and CHED better to answer to those questions.”

Sa kabila nito, hindi raw ibabalik ni Daniel ang pagkilalang iginawad sa kanya ng BEST.

Paliwanag niya, “I’m really, really happy. I’m really blessed to have received that award.

“Then I would never say or think that I would give the award back.

“Of course, not because it’s something that… it is a blessing to my life no matter what.

“It means a lot to me. It means a lot to my family, too.”


Stories We Are Tracking

Daniel Matsunaga honorary degree not recognized by CHED
Daniel Matsunaga honorary degree not recognized by CHED

BEST EXPLAINS

Kasamang nagpa-interview ni Daniel ang pamunuan ng BEST sa pangunguna ng founder nitong si Bishop Ariel Coleto.

Ayon kay Bishop Coleto, sumailalim sa nomination at research ng pamunuan ng BEST ang mga nominado, kasama na si Daniel, bago nila ito gawaran ng pagkilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, isa silang religious organization at walang kinalaman ang CHED sa mga iginagawad nilang pagkilala.

Pahayag ni Bishop Coleto, “Hindi namin ito ginawad bilang course sa kanya, kundi award, pagkilala sa kanyang kontribusyon anuman ang kanyang activities or community services na nagawa.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN