Andi Eigenmann answers horrible comments about her looks

IMAGE @andieigengirl on Instagram

Andi Eigenmann answers netizens who criticized her looks; one even called her "mukhang maninisid ng tahong." 


Sinagot ni Andi Eigenmann ang ilang netizens na nanlait sa kanyang hitsura.

Kamakalawa, nag-post si Andi sa Instagram ng kanyang picture na naka-one-piece bikini.

Nakaupo ang aktres at side view ang anggulo ng kuha.

Sa comments section, sunud-sunod ang komento ng ilang netizens na pinuna ang hitsura ng aktres.

View this post on Instagram

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

Makahulugang tanong ng isang netizen, “Hala bakit ganyan na gurl? Beauty won’t last good luck na lang sa career at lablife mo…”

Sagot dito ng 28-anyos na aktres, “Outer beauty doesn’t last nga, kaya dapat wag yun ang pag-aksayan ng lahat ng panahon.”

Isang netizen din ang tumawag kay Andi na mukhang "maninisid ng tahong."

Buwelta ni Andi, “Masaya ako maging kamukha nila kesa naman maging kamukha ko ikaw.”

Sinabi naman ng isa pang netizen na sayang daw ang ganda ni Andi.

Sagot ng aktres, “Because? It saddens me how there are people as shallow as you who think that it’s a waste to focus on more important things than the way we look—i.e. living a fulfilling life of joy and positivity. May u find that somewhere in your personal journey through life.”

Noong nakaraang taon ay ipinahayag ni Andi na magpapahinga muna siya sa showbiz at ngayon ay namumuhay nang simple sa Baler, Quezon.

ON HER BOYFRIEND

Sa simpleng pamumuhay ni Andi, tila nakatagpo rin siya ng bagong pag-ibig sa katauhan ng surfer na si Philmar Alipayo.

May isa ring netizen na nagkomento tungkol sa bagong boyfriend ng aktres.

Sana raw ay alagaan siya nito para hindi na umiyak sa huli si Andi.

Paniniyak naman ni Andi, inaalagaan siya ni Philmer.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN