Louise delos Reyes hints at reasons why past showbiz relationships did not succeed

IMAGE Noel Orsal

Louise delos Reyes offers her take on breakups, heartbreaks, and relationships. "Parang minsan mari-realize natin na mas okey na talaga umalis tayo sa relationship kaysa paulit-ulit nating saktan ang sarili natin, at pagkatapos nun, mada-damage na natin yung puso natin at yung puso ng isa. So, parang hindi siya win-win situation. So, mas okey na i-reserve mo yung respect at love mo sa sarili mo."


Kung pagbabatayan ang kanyang naging heartbreaks, sang-ayon si Louise delos Reyes na mahirap para sa kanilang mga artista na magkaroon ng long-lasting relationship.

Paliwanag ng Kapamilya actress, "Base pa rin po sa naging relationship ko na medyo showbiz, ang hirap pag isa sa inyo ay naapektuhan sa sinasabi ng ibang tao.

"Kasi, ever since naman ako, all out ako, e. Sinasabi ko na siya yung boyfriend ko, pinu-post ko.

"Pero pag meron isa doon affected siya na iba ang tingin sa kanya ng ibang tao, ng mga fans niya, parang doon na kayo nagkakaroon ng conflict.

"Na mahirap din kung hindi kayo natututong mag-compromise na eto ang kaya mong ibigay, eto ang kaya mong tanggapin."

Naging paksa ang usapin tungkol sa heartbreak sa nakaraang presscon ng Para sa Broken Hearted, ang bagong movie ni Louise kasama sina Yassi Pressman, Shy Carlos, Marco Gumabao, at Sam Concepcion.

Ito ay mula sa direksiyon ni Digo Ricio at iprinodyus ng Viva Films.

Ginanap ang grand media–blogger launch ng nasabing pelikula sa La Reve Events Place, Quezon City, noong Martes, September 19.

Hindi man pinangalanan ni Louise ang tinutukoy na nakarelasyon, inamin niyang minsan na siyang umasa sa pag-ibig.

Paglalahad niya, "Siguro masasabi ko umasa. Parang lahat naman tayo matindi yung faith sa relasyon natin or sa lahat ng bagay.

“Naka-relate ako sa umasa, kasi umasa ako doon sa magiging okey siya.

"Umasa ako na after magkapatawaran, mababalik uli kung ano yung dati.

“So, yung pag-asa na yun, hindi na siya talaga naging okey.

“Parang minsan mari-realize natin na mas okey na talaga umalis tayo sa relationship kaysa paulit-ulit nating saktan ang sarili natin, at pagkatapos nun mada-damage na natin yung puso natin at yung puso ng isa.

“So, parang hindi siya win-win situation. So, mas okey na i-reserve mo yung respect at love mo sa sarili mo…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Enzo Pineda at ang Hale lead vocalist na si Champ Lui-Pio ang inamin ni Louise na naging kasintahan niya.

Pero na na-link din ang dating Kapuso actress kina Alden Richards at Aljur Abrenica.

ON DEALING WITH HEARTBREAK

Walang nakarelasyon si Louise na hindi raw niya iniyakan.

Sabi ng 26-year-old actress, “Ako, sobrang iyakin po talaga ako, e.

“Yung first heartbreak ko, sobrang hindi ako nakapasok sa school.

"'Tapos literal, no joke po, meron po akong necklace nun, so hinahawakan ko lang 'tapos iyak [na] ako.

“Sasabihin ko lang na ayaw kong pumasok. 'Tapos sasabihin ng nanay ko, 'Pinapaaral kita, pumasok ka,' ganyan-ganyan. 

“Iiyak ako sa hallway. Iiyak ako sa mga lugar kung saan kami tumatambay.

"Ma-flashback po akong tao, e. Ganun ata talaga pag artista ka, e... nagkaka-montage yung utak ko."

Hindi raw madali para kay Louise ang maka-recover mula sa heartbreak.

Pag-amin niya, “Matagal-tagal naman.

"I think yung proseso kasi iniiyakan ko siya nang todo-todo hanggang sa mapagod ako.

“Kapag napagod na ako, doon na unti-unti. Kasi sarili ko rin naman ang magpi-pick up sa akin.

"Kahit anong sabihin sa akin ng mga tao na ‘Okey lang iyan, marami pang iba,' ganyan-ganyan, hindi ako nakikinig.

“Kasi ganun din akong klase ng tao, na hangga’t hindi ko siya nai-experience, hindi ko siya maiintindihan.

“So, ayun, matagal... minsan taon.”

Bagamat emosyunal, hindi raw naging ugali ni Louise ang magtabi ng mga bagay na magpapaalala sa kanyang mga ex.

Kuwento pa niya, “Yung last na memory box ko, sinunog ko at itinapon ko sa creek, sa may village namin. May backlash pa ako nun, ha? 

“Kasi for me, sa halip na itago ko, itinapon ko na lang. Madrama po kasi akong tao, e.

"Although, pag alam ko na magagamit kunwari, hindi ko maiwasan sa trabaho, magki-keep ako ng isang memorabilia na sa feeling ko kapag nakita ko yun, sobrang magti-trigger sa akin, pag kailangan na talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa raw sa mga natutunan ni Louise sa kabiguan niya sa love life ay hintaying gumaling ang sugat ng puso.

“Siguro, yung pagdaan sa tamang proseso ng pagiging broken-hearted. 

“In general lang, parang hindi siya dapat minamadali, yung bawat tanong at sagot sa sarili mo, hindi mo dapat siya hinahanap nang overnight.

“Yung mga tanong mo sa partner mo, hindi mo siya dapat hinahanap instantly, kasi mag-i-spark lang yun ng mas malalim na argument. 

“Yung pagmu-move on, hindi rin siya dapat minamadali kasi hindi mo lang sinasaktan yung sarili mo, bale pinagmumukha mo pa siyang tanga.”

Ayon kay Louise, four years ang pinakamatagal niyang relasyon.

NOT BROKEN-HEARTED ANYMORE

Sa kasalukuyan ay masaya si Louise sa kanyang non-showbiz boyfriend, na una niyang ipinakilala sa madla sa pamamagitan ng social media.

Paglalarawan niya sa flow ng kanyang love life, “I think, hindi ako nagpapa-cheesy or nagpapaka-fantasy sa relationship ko ngayon, pero I feel so secured.

"I feel so happy and contented with my relationship right now."

May taon na ba ang relasyon nila ng non-showbiz guy? 

Nakangiting sagot ng aktres, “Hindi pa naman po.

"Parang finally nakakita ako ng tao na sobrang hindi kami magkaiba at hindi rin kami sobrang magkapareho.

"Parang sobrang nagku-compliment yung ugali namin sa isa’t isa na parang, in a way, hindi kami parehong mahilig sa gulay, pareho kaming ma-meat.

“Pero may mga gusto ako na ayaw niya, na nagku-complement lang na sobrang nagdya-jive siya.”   

Samantala, isang babaeng ayaw mabakante ang puso ang character na ginagampanan ni Louise sa Para sa Broken Hearted.

Paglalahad niya sa kanyang role, “Si Kat, mahilig siyang magmahal. Hindi siya napapagod magmahal.

"Hindi rin niya binibigyan ng time yung puso niya na mag-heal totally from one relationship to another.

“And then, makikilala niya yung character ni Sam [Concepcion].

"Yun na yung magpapa-turn sa kanya, na magpapa-realize sa kanya kung ano ba talaga? Kung paano ba talaga magmahal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN