Bryan Revilla does not begrudge dad Bong Revilla for getting into politics

IMAGE Jojo Gabinete

Bryan Revilla says he doesn't begrudge his father, former Senator Bong Revilla, for getting into politics. Bong has been detained in Camp Crame for more than four years for his alleged involvement in the pork barrel scam.


Sa September 25 ang ika-52 kaarawan ng dating senador na si Bong Revilla. 

Mahigit apat na taon na itong nakakulong sa Camp Crame dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel scam, at regular na dinadalaw ng kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Halos linggo-linggo rin siyang dinadalaw ng anak na si Bryan Revilla, katulad ng kanyang inang si Lani Mercado, na kasalukuyang alkalde ng Bacoor, Cavite.

Dahil malapit na ang kaarawan ni Bong, natanong si Bryan kung siya ang tipong nagbibigay ng materyal na regalo sa ama.

“Usually hugs lang saka kiss then 'I love you,'” sabay sabing biro lang daw ito.

Seryoso niyang pagpapatuloy, “I give gifts naman.

"Basically ang electronics, hindi talaga puwede dun.

"So it’s either a book or something. Yung mga puwede niyang magamit ng araw-araw."

Ano ang birthday wish niya sa ama?

“Ang wish ko kay Papa, freedom. Freedom and happiness,” sambit ni Bryan sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ilang taon na nilang hindi kapiling ang ama. Kumusta ang buhay nilang pamilya sa panahong nakakulong ang daddy niya?

“Well, hindi ko rin maiwasan na ma-compare yung situation namin sa ibang family na buo ang pamilya nila sa labas.

“Yung nami-miss ko yung you have time with your family lalo na kapag lumalabas kayo. You get to enjoy all the same things together.

"Yung panonood ng sine, pagkain sa labas, pamamasyal, yun ang mga bagay na nami-miss ko.

“Like, yung mga gatherings namin sa bahay, sa Cavite, na kasama namin ang lolo ko,” pagtukoy niya sa dating aktor at senador na si Ramon Revilla Sr.

Sa mga nangyari o pinagdadaanan ng ama at pamilya niya, may pagsisisi ba si Bryan na pinasok pa ng ama ang mundo ng pulitika?

“No, e,” sagot niya. “If we regret na sana hindi kami pumasok ng politics, I don’t think so.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung anuman ang ibinibigay na responsibilidad sa ‘yo, it’s all according to His plans naman.

“So, regret-wise, no.”

Dagdag niya, “I think, we’re all bound to the decisions that we make. Kailangan mong panindigan iyan.

"Kung ito man ang nangyayari sa family namin ngayon, we all have to face this certain things in court, we will face this in court.”

MOVIE STARRING REVILLA BROTHERS

Kahit nakapiit, naisip pa rin ni Bong na muling buhayin ang Imus Productions. 

Katunayan, ang tatlong anak na lalaki ni Bong ang mga bida ng pelikulang Tres na ipalalabas na sa October 3.

Si Bryan ang bida sa episode na “Virgo,” si Jolo Revilla ang bida sa "72 Hours," at si Luigi Revilla naman ang bida sa "Amats."

Mas stage father nga raw si Bong kumpara sa mommy nila.

“Oo naman, iba yun!” natawang pagsang-ayon ni Bryan.

"My Dad, aasarin niya si Mama na, 'Yung pagka-stage mother mo, ha.' Pero actually, siya yung stage father."

Paano niya nasabi?

“He’s very particular with what he wants. Same with my mom. Pero mas metikuloso si Papa. 

“Detailed, e, very detailed.

"The most that he can do, we will bring the script and we’ll talk it together."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN