David Licauco discovers deeper purpose in joining showbiz

IMAGE Nicee Estores

David Licauco confesses he thought differently when he first joined showbiz. "Akala ko before yung showbiz is, it's a privilege. Parang tingin ko wala lang siya, parang pogi ka lang, ganun." Three years into his career, his views have changed. "It's a deeper thing now, naiisip ko. Yung acting is a craft and hindi lang siya puro papogi and yun, trabaho siya"


Isang taon at kalahati nang Kapuso artist si David Licauco, at ngayon ay napapanood siya sa daytime drama series na Kapag Nahati Ang Puso ng GMA-7.

Ikinagulat namin ang sagot ni David sa tanong kung ano ang mga nadiskubre na niya bilang Kapuso matapos niyang lumipat mula sa ABS-CBN.

Aniya, “Hindi ko kina-count yung before na nag-ABS ako, na nag-artista ako dun.

"Kasi, I dunno, during those times, bata pa ako, seventeen lang ako nun, eighteen.”

Halos isang taon lang daw siya sa ABS-CBN.

Dagdag niya, “And hindi ko pa sineseryoso yung... I mean, akala ko before, yung showbiz is, it’s a privilege.

"Parang tingin ko, wala lang siya, parang pogi ka lang, ganun.”

Nagbago na raw ang pananaw niya ngayon.

Ayon kay David, “It’s a deeper thing now, naiisip ko.

"Yung acting is a craft and hindi lang siya puro papogi and, yun, trabaho siya.

"Real world, hindi siya madaling trabaho.

"And iyon, mas okay yung ngayon kasi feeling ko, mas na-appreciate ko yung showbiz because parang meron kang voice to influence others.”

Kailan ito na-realize ni David?

“I don’t know, nag-reveal lang siya by itself sa akin.

"Kasi siyempre, may mga tao magpapa-picture sa iyo, nakikilala ka nila, konting pa-picture lang nila sa iyo masaya na sila.

“And it’s nakakatuwa na nakakapagpa-happy ka ng mga tao in a very simple manner.”

Dahil din ba ito sa personal background niya, na galing siya sa isang mayamang pamilya kaya hindi niya agad sineryoso ang pag-aartista dahil hindi naman niya kailangan ang pera?

“Yeah, I think ganun,” pag-amin ni David.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si David sa taping ng Kapag Nahati ang Puso sa Floridablanca, Pampanga, nitong Biyernes, September 14.

Gumaganap dito si David bilang si Zachary Yee.

HIS TICKET TO SHOWBIZ

Sabi niya ay hindi puro papogi ang pag-aartista, pero hindi maikakailang ang kaguwapuhan niya ang naging puhunan niya para makapasok sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsimula si David bilang modelo at 1st runner-up sa Mr. Chinatown Philippines 2014.

Paano niya patutunayang hindi lamang siya “just another pretty face?”

Ani David, “Siyempre ipapakita mo yung acting skills mo, that’s one.

"Second, yung how you talk to people. Ipakita mo na hindi lang puro papogi ang alam ng utak mo."

Ayon pa kay David, mahilig siyang magbasa ng libro tulad ng The Subtle Art Of Not Giving a F*ck ni Mark Manson.

“It’s about yung pinaka-okay na way para, alam mo yun... di ba tayo, lahat na lang in-overthink mo.”

Dapat ba ay chill lang sa lahat ng bagay, maganda man o pangit?

Paglilinaw niya, “Hindi naman chill. 

"Kunwari may problema ka, imbes na problemahin mo yung problema mo, problemahin mo na lang siya kung paano mo i-solve.

"It’s more of like that, parang ganung mindset."

Mahilig din si David sa self-help books.

“Para maging better ako as a person,” aniya.

DAVID'S PEGS

Bilang artista, ang nais daw sundan o gayahin ni David ay sina Dingdong Dantes at John Lloyd Cruz.

Para naman ma-improve ang kaalaman niya sa pag-arte ay ilang beses na rin siyang sumailalim sa acting workshops.

Ano sa palagay niya ang kanyang edge o lamang sa ibang Kapuso hunks na tulad nina Kiko Estrada at Derrick Monasterio?

Sagot ni David, “Siguro Intsik ako, Chinese ako, e.

“In a way, medyo uso siya ngayon, e, yung pagiging Chinese.”

Birong-tanong namin kay David, siya ba ay isang “crazy, rich Asian?”

“Sakto lang, hindi naman, hindi naman.”

Bakit niya nasabing uso ang Chinese?

“Uso yung look ko, I guess. People appreciate it.”

Magtatapos ngayong September ang kontrata niya sa GMA Network, pero sa pagkakalaam daw niya ay magre-renew siya ng kontrata.

Talent ng ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria si David; along with Kiko Estrada, Martin del Rosario, Enzo Pineda, Victor Basa, at Carla Abellana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Manny Pacquiao also,” dagdag pa ni David.

Hindi pa raw nakakaharap nang personal ni David ang Pambansang Kamao kahit iisa sila ng manager.

“Gusto ko nga sana siyang ma-meet, soon sana. Kasi big boxing fan talaga ako!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN