Joel Cruz reacts to arrest of businesswoman Kathy Dupaya

IMAGE PEP Source / Courtesy: @joelcruzafficionado on Instagram

Perfume magnate Joel Cruz on Brunei-based businesswoman Kathy Dupaya's arrest: "Kaya maging lesson o aral kay Kathy ang pagbibitaw ng mga salita na walang katotohanan o panay kasinungalingan dahil kaya namin tapatan ng mga ebidensya ang lahat ng mga accusations niya against sa akin."


Nagsalita na ang perfume magnate na si Joel Cruz kaugnay ng pagkakaaresto sa Brunei-based businesswoman na si Kathy Dupaya kahapon, September 20.

Ito ay kaugnay ng kasong grave oral defamation na isinampa ni Cruz laban kay Dupaya.

Nag-ugat ang reklamo ni Cruz dahil sa paninira diumano ni Dupaya sa kanyang negosyong Aficionado Germany Perfume; expired na raw ang mga nai-deliver nitong produkto sa Brunei-based businesswoman.

Mariin itong pinasinungalingan ni Cruz.

Dahil dito, nagsampa si Cruz ng PHP20-million libel suit laban kay Dupaya sa Manila City Prosecutor’s Office (MCPO).

Nakitaan ito ng basehan ng korte kaya mula libel suit ay umakyat sa grave oral defamation ang kaso laban kay Dupaya.

Pirmado ni Judge Andy de Vera ng Manila Municipal Trial Court Branch 28 ang arrest warrant ni Dupaya, na agad nahuli ng pulisya sa isang condominium unit sa Taguig kapahon.

Si Dupaya ay kasalukuyang nakapiit sa Taguig City Police Station headquarters sa Tuktukan, Taguig City.

Bukod sa kasong libelo, may isinampa ring estafa case si Cruz laban kay Dupaya sa Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) dahil sa utang nitong humigit-kumulang PHP40 million.


Stories We Are Tracking

Kathy Dupaya arrested for grave oral defamation
Kathy Dupaya arrested for grave oral defamation

TRUTH WILL PREVAIL

Nang lumabas ang balita tungkol sa pagkakaaresto kay Dupaya kahapon, kaagad na nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cruz upang kunan siya ng pahayag.

Ngunit hindi niya nasagot ang aming mensahe dahil abala ito sa charity event na kanyang pinamumunuan.

Ngayong araw, September 21, nagpadala ng pahayag si Cruz sa PEP.ph sa pamamagitan ng text messaging.

Saad niya, "Sa akin kasi, TRUTH WILL PREVAIL & JUSTICE WILL BE SERVED!

"Yan ang libel case niya at kami naman ng mga abogado ko ay nag-submit na ng mga legal documents or facts sa mga accusations niya sa akin!

"Which in fact may copies si Kathy lahat ng mga supporting documents namin o facts na provided sa kanya ng Prosecutor's office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya maging lesson o aral kay Kathy ang pagbibitaw ng mga salita na walang katotohanan o panay kasinungalingan dahil kaya namin tapatan ng mga ebidensya ang lahat ng mga accusations niya against sa akin."

Ayon pa kay Cruz, hindi dapat idinaan ni Dupaya ang pagkakautang nito sa paninira sa kanya.

"At huwag niya ibahin ang usapan o issue dito na magbayad siya ng utang sa akin worth P40,000,000 plus, ganon na rin sa ibang celebrities, businessmen, OFWs abroad na may mga utang siya!

"Bayaran niya kaming lahat ng utang niya dahil yan naman talaga ang main issue dito!"

Bukod kay Cruz, may utang din si Dupaya na malaking halaga ng pera sa mga aktres na sina Sunshine Cruz, Ynez Veneracion, at Ara Mina.

Bukas ang PEP.ph sa panig ng kampo ni Kathy Dupaya tungkol sa usaping ito.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN