Heart Evangelista accused of breaching travel rule

IMAGE @iamhearte on Instagram

Heart Evangelista is questioned by some netizens after the Kapuso actress posted a photo she took inside the plane with liquid items, such as water and perfume. 


Nakatawag-pansin sa ilang netizens ang ipinost na larawan ni Heart Evangelista sa Instagram nitong Huwebes, September 20.

Kuha ang larawan sa loob ng eroplano, kung saan makikita ang tila kamay ni Heart, headphone, shades, magazine, pouch, pabango, at bottled water.

View this post on Instagram

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

Usisa ng ilang netizens, paano nakalusot ang dalawang liquid items—pabango at bottled water—sa loob ng eroplano na mahigpit na ipinagbabawal na i-hand carry?

May malisya naman ang komento ng ilang netizens na nagsabing dahil daw sa business class at exclusive passengers, kagaya ni Heart, kaya nakalusot.

Sumagot naman dito si Heart, na madalas bumiyahe at tiyak na pamilyar na sa mga patakaran sa paglipad.

Paliwanag ng Kapuso actress, ang dala niyang pabango ay tumitimbang lamang ng 50 ml at ang tubig ay provided sa loob ng eroplano.

May isang netizen din ang nagtanggol kay Heart at sinabing may mga tao na pati ang maliliit na bagay ay ginagawan ng isyu.

“It’s okay. I understand,” sagot dito ng aktres.

Pagtatanggol ng isa pang netizen: “Smart passenger knows common rules…”

Nagsunud-sunod naman ang komento ng iba pang netizens na sinagot ang tanong tungkol sa pagha-hand carry ng liquid substances sa loob ng eroplano.

Anila, pinapayagan ang pag-hand carry ng flammable liquid o alcohol kung ito ay nagtitimbang ng hindi lalampas sa 100 ml.

Ayon sa travel articles online, ang pagha-hand carry ng alcohol, aerosol, at gel ay pinapayagan kung ang mga ito ay nagtitimbang ng 100 ml.

Maaaring ilagay ang items na ito sa maliliit na lalagyan na sama-sama sa isang clear plastic na may 20cm x 20cm at may maximum weight na 1 liter.

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN