Manolo Pedrosa happy for former PBB housemates Joshua Garcia, Loisa Andalio, Maris Racal

IMAGE Nicee Estores (Manolo / @iamandalioloisa @garciajoshuae @mariestellar on Instagram

Kapuso star Manolo Pedrosa says he is happy for the success of former ex-housemates and Kapamilya stars Loisa Andalio, Maris Racal, and Joshua Garcia. 


Aminado ang bagong Kapuso star na si Manolo Pedrosa na wala na siyang direct communication sa former housemates niya sa Pinoy Big Brother: All In.

Ang edisyong ito ng PBB ay nangyari noong 2014 at marami sa naging housemates dito ay aktibo sa showbiz, kagaya ni Manolo.

Kabilang sa kanila ay sina Daniel Matsunaga, Joshua Garcia, Loisa Andalio, Maris Racal, ang kambal na sina Fifth at Fourth Pagotan, at ang mga beauty queen na sina Michele Gumabao at Vickie Rushton.

Sinabi ni Manolo, 20, na gusto sana niyang makipag-reconnect sa dating housemates.

“I actually want, I still want, but we’re all busy,” sabi ni Manolo sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes, September 20.

Kamakailan ay nagkaroon ng premiere night ang directorial film debut ni Fifth, ang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka, kung saan marami raw sa kanilang batch sa PBB ang dumalo.

Ayon kay Manolo, “I was supposed to go, pero may taping ako.

"Sayang, it was the perfect time for us to bond. We’re also busy kasi.

"But for sure, there’s gonna be a time that we’re gonna bond, for sure."

Masaya rin daw si Manolo sa successful showbiz careers ng kanyang mga dating kasamahan na nasa bakuran ng ABS-CBN.

“Of course, I’m super happy for them—si Maris, Loisa, Joshua.

“I’m super happy for them. I’m sure tuluy-tuloy naman [ang success nila].”

Bago maging Kapuso, naging Kapamilya muna si Manolo at nakagawa ng ilang proyekto sa ABS-CBN, kagaya ng teleseryeng Oh My G! (2015).

LEADING-MAN MATERIAL

Naghahanda na ngayon si Manolo para sa unang teleserye niya sa GMA-7, ang Pamilya Roces.

Ilan sa mga makakasama niya rito ay sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Jasmine Curtis-Smith, Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa, Snooky Serna, Roi Vinzon, Rocco Nacino, Sophie Albert, Shaira dela Cruz, Ana Roces, at Christian Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Manolo, “Grabe yung cast, it’s a beautiful cast.

"'Tapos nababaitan ako sobra and naninibago ako working with Direk Joel Lamangan.

"So it’s a new experience.

"So far, I’m enjoying.”

Gusto raw patunayan ni Manolo na kaya niyang maging leading-man material.

“Actually, I’m stepping up my game pagdating sa workshops.

“Gusto ko nga after the workshop, I’ll do a different skill, maybe singing.

"And also, I want to do more one-on-one acting workshops kasi, currently, I’m doing group workshops naman."


Stories We Are Tracking

Manolo Pedrosa reveals why he risked moving to GMA-7
Manolo Pedrosa reveals why he risked moving to GMA-7


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN