Vice Ganda reacts to Sen. Tito Sotto's proposal to change lyrics of National Anthem

IMAGE @praybeytbenjamin @helestito on Instagram

It's Showtime host Vice Ganda has a funny quip about Senator Tito Sotto's proposal to change the last line of our National Anthem.


Nag-react si Vice Ganda sa mungkahi ni Senate President Tito Sotto na baguhin ang huling linya ng "Lupang Hinirang," ang Pambansang Awit ng Pilipinas.

Mensahe ni Vice via Twitter, “E kung palitan na lang yung last line ng national anthem ng 'Ang matraffic ng dahil sa’yo??!! Mas keri ba?”

Tila kasalukuyang nasa gitna ng traffic ang Kapamilya star nang i-tweet niya ito.

Bukod kay Vice, hindi rin sumang-ayon ang ABS-CBN host na si Bianca Gonzalez sa mungkahing palitan ang lyrics ng Pambansang Awit.

Noong nakaraang linggo, iminungkahi ni Senator Sotto na baguhin ang ilang linya ng "Lupang Hinirang" dahil “defeatist” daw ito.

Aniya, gusto niyang palitan ang linyang “Ang mamatay ng dahil sa ‘yo” ng “ang ipaglaban ang kalayaan mo.”

Sa kanyang tweet, iginiit ng senador na mungkahi lang naman ang sa kanya, at kung marami ang kumukontra ay huwag itong palitan.

Tweet ng actor/host/politician: "Maraming mahina intindimiento. Ayaw nyo? Hwag!

"But I will support Joey Ayala’s version of singing d Natnl Anthem. Tama pronunciation n intonation.

"D orig translation frm Spanish to English to Filipino is d cause of d wrong cadence of words."

Si Senator Sotto ay isa ring composer.

Kabilang sa nilikha niyang kanta ay ang 1986 EDSA Revolution anthem na "Magkaisa."


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN