Ai-Ai delas Alas all praises for Alden Richards: "Nagbago lang diyan talent fee!"

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas on witnessing Alden Richards's rise to stardom: "Akala niyo ba dati, guest ko pa 'to sa SM, nag-show kami. Di pa siya yung ganung Alden Richards, parang konti pa lang pumapalakpak sa kanya. Tapos grabe! Nung sumikat na siya, puny*ta! Hindi ako sumasabay sa kanya sa eroplano. Kasi kapag nagkakagulo, ta's meron siyang ganyan, pinagkakaguluhan siya."


Isa sa highlights ng concert ni Alden Richards na Adrenaline Rush sa KIA Theatre kagabi, September 21, ay ang segment kung saan kasama niya ang ina-inahan sa showbiz na si Ai-Ai delas Alas.

Dito ay masayang binalikan ni Ai-Ai kung paano niya nakilala si Alden noong panahong hindi pa natatamasa ng binata ang kasikatang mayroon ito ngayon.

“Ganun pa rin siya. Nagbago lang diyan talent fee!

“Yung mga sasakyan niyang magaganda, yung pagkaharot niya, yung katakawan niya rin lumala.

"Pero yung ugali niya, grabe, ganun pa rin, o! Napakabait na bata.”

Dagdag pa ni Ai-Ai, “Napakamatulungin tapos hindi niya sinasabi.

“Alam mo yung kabaitan niya, hindi put on, e.

"Hindi lang siya sa akin mabait, sa lahat ng tao mabait siya—sa crew, sa staff, sa kapwa niya mga artista, sa inyo."

Sabay birong hirit ni Ai-Ai kay Alden, “Pautang naman, o!”  

Sobrang flattered naman ni Alden na nagbirong parang “pa-last” na niya dahil sa sobrang papuri ni Ai-Ai.

Hirit pa ni Alden, “Hindi ako prepared, Ms. Ai! Thank you, ha!”

Nagpatuloy si Ai-Ai sa pagkuwento na nasaksihan niya kung paano si Alden bago pa ito mas nakilala dahil sa phenomenal teamup nila ni Maine Mendoza, ang AlDub.

Kuwento ng beteranang aktres, “Akala niyo ba dati, guest ko pa ‘to sa SM, nag-show kami.

"Di pa siya yung ganung Alden Richards, parang konti pa lang pumapalakpak sa kanya.

"'Tapos, grabe! Nung sumikat na siya, puny*ta! Hindi ako sumasabay sa kanya sa eroplano.

"Kasi kapag nagkakagulo, ta’s meron siyang ganyan, pinagkakaguluhan siya.

“Sabi niya sa akin, ‘Ms. Ai, sabay ka sa akin.’

"Sabi ko, ‘Hindi na, ‘no! Okey na ako! Ikaw na lang mag-isa mo, ‘no! Mamaya pa maano leeg ko dun.’”

Natatawang ibinunyag din ni Ai-Ai na noon ay pabiro niyang tsinansingan si Alden dahil sa kaguwapuhan nito.

“Hindi pa uso yung bash-bash, di ba? Nag-guest ka sa akin. Kunwari hinahanap ko yung hikaw ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabay iminuwestra ni Ai-Ai na tumuwad siya sa tapat ni Alden habang sinasabi, “Asan yung hikaw ko?”

Natatawang kumpisal ni Ai-Ai, “Binabastus-bastos ko na iyan sa show ko.”  

Pero ngayon ay parang tunay na anak na raw ang turing ni Ai-Ai kay Alden.

Sa huli, nagpasalamat si Alden sa pagmamahal at suportang natatanggap niya mula kay Ai-Ai.

“Nung lumipat si Ms. Ai sa GMA, sabi ko, ‘Sana mabigyan ako ng pagkakataon kahit isang beses makatrabaho ko siya bilang nanay sa isang soap opera o nanay sa isang pelikula.

“Pero binigyan mo ako ng mas higit dun, Ms. Ai. Naging nanay kita sa totoong buhay!”

Magkasama rin ang dalawa sa weekly comedy-variety show na Sunday PinaSaya.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN