Raquel Pempengco reacts to Jake Zyrus's statement about being "devil in the family"

IMAGE Arniel Serato / Courtesy: RA QU EL on Facebook

Raquel Pempengco to son Jake Zyrus: "Ang kailangan ngayon ng Nanay ko, e, ang pagdamay at presensiya niya. Meron o walang pera sana magpakita siya... Ako nga kahit gaano kalaki ang galit at hinanakit ko sa Nanay ko na halos ikamatay ko pa noon, e, andito ako sa tabi niya gumagawa ng paraan."


Pinalagan ni Raquel Pempengco ang pahayag ng anak na si Jake Zyrus—dating si Charice Pempengco—na itinuturing daw siyang demonyo ng sarili niyang pamilya.

Nag-ugat ito nang banggitin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa singer, sa presscon ng kanyang libro kahapon, September 21, na nangangailangan ng suportang pinansiyal ang kanyang lola na si Tess Relucio, ina ni Raquel, na kasalukuyang naka-confine sa isang ospital sa Laguna.

Pahayag ni Jake, "I'm her grandson. She has children, I think it's kinda unfair na ako lang yung laging pinuntirya.

"I mean, I cannot just keep quiet about it because all my life, I've been trying to clean my name in front of these people who always laugh at me, who always make fun of me, who always tell me that I am the devil in the family.

"And the thing is, the sad thing is, tanggap ko na yun, na ako na yung demonyo sa kanila."

Tutulong daw siya nang hindi ipinapaalam sa publiko.


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus breaks silence about sick grandmother
Jake Zyrus breaks silence about sick grandmother

Sinabi naman ni Raquel sa PEP.ph, sa pamamagitan ng Facebook messaging ngayong Sabado, September 22, hindi niya alam kung saan nanggaling ang nasabi ng anak.

Saad ng ina ni Jake, "Sa panahon ngayon, dapat isipin kung papaano masu-solve ang problema.

"Hindi ko alam kung saan niya nakukuha iyang mga pinagsasabi niyang demonyo sa pamilya."

Naglabas din ng kanyang saloobin si Raquel tungkol dito sa Faceboook account niya.

Mensahe niya sa anak, "Ang kailangan ngayon ng Nanay ko, e, ang pagdamay at presensiya niya.

"Meron o walang pera sana magpakita siya... Ako nga kahit gaano kalaki ang galit at hinanakit ko sa Nanay ko na halos ikamatay ko pa noon, e, andito ako sa tabi niya gumagawa ng paraan.

"If ever na anuman ang mangyari? Knock on wood... Dun siya iiyak-iyak? At sasabihin niyang nami-miss niya, like what happened to my father and her father too?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot din ni Raquel ang pahayag ni Jake na may mga anak naman daw ang kanyang lola, kaya bakit siya ang pinupuntirya kapag nangangailangan ito.

Saad niya, "Yes, it's true, we're her children and [Jake] only her ‘granddaughter’ [pero gusto ni Jake na grandson ang tawag sa kanya] but my mother needs her presence only.

"We're asking for some help, oo, pero kung wala siyang maitutulong magpakita man lang siya..."

Mensahe pa ni Raquel sa kaalitang anak, "Don't worry Charice, na-solve na namin ang lahat without your help.

"Katulad ng kasabihan [sa] lahat na ang, ‘PAMILYA AY PAMILYA KAHIT ANUMAN ANG MANGYARI MAGKAKASAMA PA RIN.’

"Ang tanong ko sa'yo CHARICE!

"'TINUTURING MO PA RIN BA KAMING PAMILYA?'"

IN GOOD HEALTH CONDITION

Sa ngayon, medyo maayos na raw ang kalagayan ni Lola Tess.

Pero umiyak daw ito nang malamang hindi pa nagpapakita ang kanyang paboritong apo.

Ayon kay Raquel, "Nakakausap na po ngayon, umiiyak nga lang pag naalala niya na di dumadalaw sa kanya ang paborito niyang apo."

Nagawan na rin daw nila ng paraan para mabayaran ang bill ni Lola Tess sa ospital sa tulong ng ilang kaibigan at kamag-anak.

Baka sa Lunes, September 24, ay ilalabas na nila ang ina sa ospital.

Sabi pa ni Raquel, "Umabot din ng almost PHP200K [ang bill] kaya nilapit namin sa PhilHealth at senior, PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) at DSWD (Department of Social Welfare and Development) nang makabawas...

"The rest sa akin na... at yung ibang friend ko sa US nagbigay din ng tulong...

"Sa mga friends ko dito sa Pilipinas na nagbigay at tumulong din sa akin... salamat din sa kanila...

"Sa lahat ng nagbigay ng prayers sa Nanay ko nagpapasalamat din ako...

"Sa mga kapatid ko na kahit walang financial support, e, sinamahan at binantayan nanay ko, after niya sa ospital sa akin na siya titira.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN