Cedric Lee, Deniece Cornejo petition for removal of judge who found them guilty in Vhong Navarro case

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Camp of Cedric Lee and Deniece Cornejo want Judge Bernard Pineda Bernal removed from judiciary after questioning the guilty verdict. 


Nais ng kampo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo na matanggal sa judiciary ang judge na nagbaba ng hatol na guilty sa kanila hinggil sa kasong grave coercion na isinampa ng kampo ng aktor na si Vhong Navarro.

Nito lamang July, nahatulang guilty sina Cedric, Deniece, at ang kasamahan nilang si Jed Fernandez ng grave coercion sa 50-page resolution ni Judge Bernard Pineda Bernal ng Taguig City Metropolitan Trial Court.

Kaugnay ito ng insidenteng pambubugbog, paggapos, at pananakot kay Vhong ng grupo nina Cedric at Deniece noong gabi ng January 22, 2014 sa condo unit ng dalaga sa Taguig City.


Stories We Are Tracking

Vhong emotional after guilty verdict against Cedric, Deniece
Vhong emotional after guilty verdict against Cedric, Deniece
Cedric, Deniece found guilty in Vhong grave coercion case
Cedric, Deniece found guilty in Vhong grave coercion case

Hiniling ng kampo nina Lee at Cornejo sa Office of the Court Administrator ng Mataas na Hukuman “to administratively sanction and remove from the judiciary” si Judge Bernal ng Taguig City Municipal Trial Court Branch 74 dahil sa diumano’y maling pagbababa ng hatol hinggil sa kasong grave coercion, ayon sa ulat ng Inquirer.net.

Nagsumite naman ng motion for reconsideration ang kampo ni Cedric nang ibaba ang desisyon at para matanggal ang kaso kay Judge Bernal.

Ayon pa rin sa Inquirer.net, sa complaint ng kampo nina Cedric na isinumite noong nakaraang buwan, nakasaad dito ang umano’y kakulangan sa parte ng judge: “wrong appreciation of the facts, laws and evidence surrounding the case manifests his gross ignorance of the law, grave abuse of authority, and extreme bias and partiality, thus leading to an unjustified judgment of convicting [Lee and Cornejo].”

Saad ng legal counsel nina Cedric na si Atty. Howard Calleja, nilabag umano ni Judge Bernal ang Judicial Conduct dahil sa pagtanggap nito ng testimonya ng witness ni Vhong, na si Dr. Bernadette Manalo-Arcena, dahil wala raw umano itong personal na kaalaman hinggil sa kaso.

Sa desisyon ni Judge Bernal, tinanggap niya ang affidavit ni Arcena na nagpapatunay umano na ang mga elementong nagkaroon ng grave coercion sa panig ni Vhong, nang bugbugin at pahirapan ang aktor at diumano’y pwersahang pinapirma sa police blotter noong January 22, 2014 sa himpilan ng Southern Police District.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Argumento ni Atty. Calleja, hindi raw kapani-paniwala bilang saksi si Arcena dahil wala ito sa pinangyarihan ng krimen at ginawa ang affividavit niya ilang araw matapos mangyari ang krimen.

Binatikos din ni Atty. Calleja ang judge dahil sa umano’y kabiguan nitong ikonsidera ang saksi ng kanilang kampo na si SPO1 Rolly Laureto, na isa sa mga imbestigador nang dalhin sa himpilan si Vhong.

Ani Calleja, tumestigo ang pulis na hindi raw gumamit ng pwersa at pagbabanta sina Cornejo at Lee nang lagdaan ng actor ng police blotter.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN