Jake Zyrus details abuses he suffered from mom Raquel Pempengco in book

IMAGE Arniel Serato / Courtesy: RA QU EL on Facebook

Jake Zyrus admits that his family is really different from other families. He explains, "So, kumbaga, kami yung family na mas better yung malayu-layo kami sa isa't isa, hindi lang ako, for example, like yung tita ko, everybody, we cannot just be in the same place, but that doesn't mean that you forget that you're family."


Sa kanyang librong I Am Jake, isiniwalat ni Jake Zyrus—dating kilala bilang Charice Pempengco—ang mga pang-aabusong naranasan diumano niya sa kamay ng sariling inang si Raquel Pempengco.

Sa Chapter 2 ng libro na pinamagatang "Mommy Dearest," inilahad ng singer ang hirap na kanyang dinanas sa piling ng ina noong bata pa siya.

Kalakip nito ang larawan ng braso ni Jake kung saan naka-tattoo ang pangalan ng kanyang ina—"Raquel."

 IMAGE Arniel Serato

Sa unang linya, nakasaad ang mga ganitong salita: "Here's the sad truth: I don't know my own mother."

 IMAGE Arniel Serato

Dito na inilahad ni Jake kung gaano ka-dysfunctional ang kanilang pamilya.

Ayon sa singer, apat na magkakapatid sina Raquel pero ang ina lang daw niya ang laging nakakaaway ng kanyang lola na si Tess Relucio.

Sinasaktan diumano ni Lola Tess ang kanyang apat na anak kahit sa harap nila.

Ang kanyang lola raw diumano ang batas sa kanilang tahanan at kahit ang kanyang lolo ay hindi makapalag dito.

Dahil daw rito, umalis sa kanilang bahay si Raquel kasama ang mga anak na sina Charice at Carl.

Dito na raw napagtanto ni Jake na nagmana ang ina sa pagiging bayolente ng kanyang lola.

Sabi niya sa kanyang libro, "When Mommy left Lola's home, their similarities started to manifest: the bad temper, the need to win every argument, and eventually, the tendency to hurt their kids."

Kung ang mga kapatid ni Raquel ay dinidisiplina ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pangungurot o kaya ay paghila sa kanilang buhok.

Si Raquel daw ay gumagamit ng sapatos, sinturon, at walis-tambo sa pananakit kay Charice/Jake.

Sabi ni Jake sa libro, "Mommy often hit me on the head with her high heels.

"This is the reason why my scalp is covered with scars that have formed bumps and valleys on my head."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Arniel Serato

Tinawag ni Jake na "evil queen" ang kanyang ina habang siya’y lumalaki.

Pero hindi naman daw niya tuluyang kinamuhian ang ina.

Saad ni Jake sa libro, “I can't bring myself to totally hate my mother because despite her darkness, there is some light in her.

"Her good side needs certain conditions to come out, though."

 IMAGE Arniel Serato

Hindi raw naging normal ang relasyon nilang mag-ina mula noong bata pa siya.

Ayon pa kay Jake, nang nag-iba siya ng sexual orientation, nahuli raw niya ang kanyang ina na may ginamit na ibang accounts sa social media upang laitin siya.

Dahil dito, itinuturing niya ang kanyang ina na "secret antagonist."

 IMAGE Arniel Serato

Hindi ito ang unang pagkakataong ibinahagi ni Jake ang hindi magandang pagtrato diumano sa kanya ng ina .

Sa August 26, 2017 episode ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya, base sa pagsasalaysay ni Jake, ipinakita rito ang pagmamalupit ni Raquel (na ginampanan ni Dina Bonnevie) sa batang Charice (ginampanan ni Mutya Orquia) hanggang noong dalaga na siya (ginampanan ni Sharlene San Pedro).


Stories We Are Tracking

Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's <em>MMK </em>episode
Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's MMK episode
Jake Zyrus stands by <em>MMK</em> life story despite mom's anger
Jake Zyrus stands by MMK life story despite mom's anger
Raquel Pempengco mulls filing libel against Jake Zyrus, <em>MMK</em>
Raquel Pempengco mulls filing libel against Jake Zyrus, MMK

“ITO YUNG PINAGDAANAN KO.”

Sa launching ng kanyang libro na I Am Jake noong Biyernes, September 21, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at News5 si Jake ng paliwanag kaugnay ng mga isiniwalat niya tungkol sa sariling ina.

 IMAGE Arniel Serato

Ayon sa 26-year-old singer, ito ang kanyang totoong pinagdaanan na gusto niyang ibahagi sa mga taong may kahalintulad na karanasan upang maiwasang tangkaing putulin ang kanilang sariling buhay.

Aminado si Jake na naging suicidal siya noon at ilang beses pinagtangkaan ang kanyang sariling buhay.

Saad niya, "There's always two sides of stories, but ito yung mga pinagdaanan ko.

"Like, there's a part in this book na nakalagay na who knows, like, what you said na parang, 'I don't really know my own mother.'

"But that's not a bad thing dahil hindi ako nag-iisa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There are other people out there na hindi naman talaga totally kilala yung parents nila, like, they don’t know… ang hirap kasi minsan magsi-sink in sa ibang tao because it's happening to someone who’s in the entertainment industry.

"So, parang kailangan laging perfect yung family, kailangan laging perfect yung life mo.

"So, ito yung parang gusto ko lang na i-share sa kanila, na hindi naging maganda yung childhood ko, which shows na normal na tao lang ako."

Ano ang ibig sabihin na hindi niya talaga kilala ang kanyang ina?

Paliwanag ni Jake, "My family is really different.

"Like, alam ko yung normal na family, alam ko yung rules dito sa atin, especially sa family natin dito sa Pilipinas.

"Alam ko kung ano yung dapat mong gawin, anong dapat gawin ng mga magulang sa mga anak, ng mga anak sa magulang.

"Yung relationship ng family namin is really different.

"When I say different, I'm sure na meron pa ring iba na pareho ang sitwasyon, pero yung sa amin, meron talagang moments na hindi talaga kami puwedeng magsama-sama sa iisang place.

"So, kumbaga, kami yung family na mas better yung malayu-layo kami sa isa't isa, hindi lang ako, for example, like yung tita ko, everybody, we cannot just be in the same place, but that doesn't mean that you forget that you're family.

"We are a family. It's just that yun lang talaga ang way ng relationship namin."

Nagpaabot na ng mensahe ang PEP.ph kay Raquel Pempengco upang kunin ang kanyang pahayag sa mga rebelasyon ni Jake sa libro nito.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN