Carlo Aquino clarifies his parents' visit to Angelica Panganiban's home

IMAGE Noel Orsal

Carlo Aquino on possible reconciliation with Angelica Panganiban: "Hindi naman ako nagsasara ng pintuan, lalo na kung feelings. Ayokong pigilan ang feelings."


Nilinaw ni Carlo Aquino ang larawang lumabas kung saan kasama ng aktor ang kanyang magulang na nagpunta sa bahay ng aktres na si Angelica Panganiban.

Dating magkarelasyon sina Carlo at Angelica, at ngayon ay napababalitang nagkakamabutihan silang muli.

Dahil sa paglabas ng larawan ni Carlo at ng kanyang pamilya na nasa bahay ni Angelica, mas lumakas ang espekulasyong nagkabalikan na sila.

May ilan pa ngang nagsasabing tila namanhikan na raw ang partido ng aktor.

Ngunit paglilinaw ni Carlo tungkol dito, “Dumalaw lang.

“Kasi pupunta ako sa airport, kukuhanin ko yung pusa ko, si Sinta.

“Siya [Angelica] kasi ang nag-alaga ng ilang araw.

“Para hindi ko na ihatid sina Mommy sa bahay, ‘tapos bumalik ulit, dumaan na kami.

“Hindi pa rin kasi nakikita nila Mommy ang bahay ni Angge. 

“Ang tagal na niya dun, parang magkapitbahay lang kami, ilang minutes away, pero hindi pa rin niya nakikita.”


Stories We Are Tracking

Angelica welcomes Carlo's parents to her home
Angelica welcomes Carlo's parents to her home

Natuwa rin daw ang mga magulang ni Carlo sa pagbabalik ng closeness nila ni Angelica. 

Lalo pa’t mga bata pa noon sina Carlo at Angelica ay malapit na ang pamilya nila sa isa’t isa.

Sabi naman ni Carlo, “Kasi noong time din naman, may girlfriend din ako. Naiintindihan din naman nila yun.

“Pero yun nga, never naman nawala ang communication.

“Every once in a while, nagti-text ako sa kanya. Kinakamusta ko siya.

“Ganun din naman siya sa akin,” pagtukoy ng aktor kay Angelica.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carlo sa opening ng 41st store ng iniendorso niyang Beautederm Skin Clinics and products sa Ali Mall, Cubao, Quezon City, noong September 16.

POSSIBLE RECONCILIATION

Natawa naman si Carlo nang tanungin kung umaasa rin ang mga magulang niyang magkabalikan sila ni Angelica.

Saad niya, “Yun ang hindi ko alam.

"Hindi pa naman namin napag-uusapan.

“Hindi ko rin naman kasi alam kung saan kami papunta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko naman alam kung ano ang mangyayari.”

Pero may posibilidad bang magkabalikan sila?

Sagot ni Carlo, “Hindi naman ako nagsasara ng pintuan, lalo na kung feelings.

“Ayokong pigilan ang feelings.”

Kung sakali, hindi ito ang unang pagkakataong magkakabalikan sila dahil nangyari na rin ito noon.

Pero nae-excite ba siya sakaling magkabalikan nga sila?

“Nakakatakot din yun,” pag-amin ni Carlo.

“Kapag nasaktan mo na naman siya… yung ganun.

“Magkasakitan kami, masasayang yung friendship.  

“Hindi lang naman kasi yung love life ang nakasalalay rito, pati yung friendship namin, yung friendship ng parents namin.”

ANGELICA AND ZANJOE

Pinag-react din si Carlo sa pagiging malapit ngayon ni Angelica kay Zanjoe Marudo, na leading man ng aktres sa daytime series ng ABS-CBN na Playhouse.

“Okay lang naman, bagay rin naman sila!” natawang sabi niya.

Kuwento ni Carlo, napanood niya ang interview ni Angelica sa Tonight with Boy Abunda nang tanungin ito kung sino ang husband material para rito.

Si Zanjoe ang sinagot ni Angelica.

“Nagtampo ako dun, wow!” natawang pag-amin ni Carlo.

Napaisip ba siya sa naging sagot ni Angelica, kung hindi nga ba siya husband material?

Ayon kay Carlo, “Hindi ko alam, e. Hindi ko naman makikita yun sa sarili ko, ang ibang tao.”

Alam ni Angelica na nagtampo siya sa sagot nito?

“Tinext ko rin siya, pabiro lang din naman.

“Sabi ko, ‘Matampuhin pala ako, ha.’ Natawa lang din siya. 

“Ang sarap lang kasi ng ganun na nagkaka-banter kayo. Nakakapagbiruan kayo.

“Mas maganda naman talaga na nakakapag-build ka ng friendship muna before anything else,” pahayag ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN