Raquel Pempengco on Jake Zyrus's book: "Sira-ulo lang ang bibili ng libro dahil sira-ulo ang gumawa."

IMAGE Arniel Serato / Courtesy: RA QU EL on Facebook

Raquel Pempengco on "evil mother" tag: "Kung di dahil sa evil mother niya, wala siya sa kinatatayuan niya ngayon. Nakilala siya dahil sa evil mother na tinatawag niya. Walang magulang na naghahangad ng makakasama para sa kanilang anak. Bukod tangi si Charice ang gumagawa nito sa kanyang ina."


"Sira-ulo lang ang bibili ng libro dahil sira-ulo ang gumawa."

Ito ang reaksiyon ni Raquel Pempengco tungkol sa mga isiniwalat ng anak na si Jake Zyrus—dating kilala bilang Charice Pempengco—sa libro ng singer na I Am Jake.

Sa libro, ibinahagi ni Jake ang diumano'y pang-aabuso sa kanya ng ina mula noong bata pa siya.

Tinawag ding "evil queen" at "abusive mother" ni Jake ang ina sa libro.

Inilathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang bahaging ito ng libro ni Jake, Sabado ng gabi, September 22.

Ilang minuto pagkatapos mailathala ang artikulo, kaagad na nagbigay ng eksklusibong pahayag si Raquel sa PEP.ph sa pamamagitan ng Facebook messaging.

Buwelta ni Raquel, "Isa lang ang masasabi ko sa libro…. Sira-ulo lang ang bibili ng libro dahil sira-ulo ang gumawa.

"Wala na sa sariling katinuan si Charice.

"Naawa ako para sa kanya. Dahil ginusto niya lahat ang mga nangyayari sa kanya ngayon.

"Nasaan ba siya ngayon?"

Kasunod nito, ipinaalala ni Raquel na kung hindi dahil sa "evil mother" ni Jake o Charice, hindi nito mararating ang kanyang estado sa buhay ngayon.

"Kung di dahil sa evil mother niya, wala siya sa kinatatayuan niya ngayon.

"Nakilala siya dahil sa evil mother na tinatawag niya.

"Walang magulang na naghahangad ng makakasama para sa kanilang anak.

"Bukod-tangi si Charice ang gumagawa nito sa kanyang ina.

"Hindi siya aangat at maibabangon pa ang nasirang career niya kahit gawin pa niya akong masamang tao.

"Kahit ilang libo pang libro ang ikalat niya."

Nagpadala rin si Raquel sa PEP.ph ng larawan niya kasama ang inang si Tess Relucio, na nakaratay sa hospital bed, at ilang kamag-anak.

Naospital kamakailan ang lola ni Jake dahil sa mild stroke.

 IMAGE Courtesy: RA QU EL

Sabi ni Raquel, "Sa ganitong pagkakataon, magkakasama pa rin kami.

"At ako na evil mother ay tumatayo pa rin para sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Raquel appeals to Jake to visit grandmother in the hospital
Raquel appeals to Jake to visit grandmother in the hospital
Jake Zyrus breaks silence about sick grandmother
Jake Zyrus breaks silence about sick grandmother
Raquel reacts to Jake's
Raquel reacts to Jake's "devil in the family" statement
Jake Zyrus details abuses he suffered from mom in book
Jake Zyrus details abuses he suffered from mom in book


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN