Benjamin Alves's Guam-based family spared from Typhoon Mangkhut's wrath

IMAGE Kaylie Maxino

Benjamin Alves feels relieved that his Guam-based family wasn't adversely affected by Typhoon Mangkhut before it struck the Philippines: "Hindi naman po, awa ng Diyos."


Bago nanalasa ang bagyong Ompong (Typhoon Mangkhut) sa Pilipinas isang linggo pa lamang ang nakararaan ay sa Guam muna ito naghasik ng pinsala.

Sa Guam naka-base ang mga magulang ni Benjamin Alves.

Kinumusta namin kay Benjamin ang mga magulang niya.

Maayos naman raw ang sitwasyon ng kanyang mga magulang pero sakop ng dinaanan ng bagyo ang bahay nina Benjamin sa Guam.

Lahad niya, “They were projecting na one of the worst daw po since nung nakatira pa po ako dun, parang 12, 14, 16 years ago yata yung last one na malakas.

“Hindi naman po, awa ng Diyos.”

Hindi naman daw nasira ang bahay nila pero ilang araw na walang kuryente sa lugar kung saan nakatira ang parents ni Benjamin.

Dagdag niya, “Well, normal naman po yun kasi island siya, e.”

Laking pasasalamat raw ng mga magulang ni Benjamin na hindi malawak ang pinsalang idinulot sa kanila ni Mangkhut.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa taping ng GMA-7 teleserye na Kapag Nahati Ang Puso sa Floridablanca Doctors' Hospital Inc. sa Pampanga noong September 12.

Dito ay dalawa ang female lead stars, sina Bea Binene at Sunshine Cruz.

WORKING WITH SUNSHINE

Wala raw anumang pagkailang o intimidation na nadarama si Benjamin kay Sunshine kahit mas may edad ito sa kanya at masasabing beterana na sa showbiz.

Saad niya, “Hindi, wala, wala!

“Lahat po kami, parang lahat po kami magkaka-eksena.

“Kumbaga, week 10 na po namin ng taping ito, e.

“So magkakakilala na kami dito, alam na po namin kung… yung mga character namin, kumbaga kung ano kami sa…

“Madali na pong mag-slide dun sa character at sa mga linya.”

Dagdag pa ni Benjamin, “Ito yung mas pinakagusto sa taping e, yung parang papasok ka na lang kasi alam mo na yung…

“Kargada mo naman yung character mo, kilala mo na yung isa’t isa, kung ano yung relasyon mo dun sa bawat character...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kahit anong ibigay ni Direk, kahit anong bagong script, kung may magawa mang bagong script on the spot, kaya na po naming gawin.”

Ano ang pinakamahirap na ipinagawang eksena kay Benjamin sa Kapag Nahati Ang Puso?

“Yung mag-topless. Joke!” at tumawa ang Kapuso hunk.

“Ngayon po siguro…hindi naman siya mahirap pero iba po kasi yung dynamics po namin ni Ms. Shine, e.

“Kasi nga po, ngayon sa show, napapadalas na po yung mga eksena ko kasama si Ms. Sunshine, whiich I was looking forward to because sanay na po ako makipag-love team or makipag…

“Yung mga ganung eksena kasama po sina Bea… the likes of Bea, na mga ka-edad ko naman po, e.

Kapag si Sunshine daw ang kaeksena niya ay iba ang nagiging atake niya.

Pagpuri niya sa aktres, “Nakakatuwa. Akala ko po mahihirapan ako. pero sa sobrang bukas si Ms. Sunshine bilang aktres at sobrang giving, nakakatulong siya.

“Siya yung nakakatulong sa akin, at more and more nakakapag-usap po kami, off-screen, nakakatuwa po na parang…

“Yung talagang pag nakita mo si Ms. Sunshine, talagang babae…woman talaga.

“Parang isang magandang simbolo ng pagiging tunay na babae, talagang buung-buong babae.”

ON BORACAY MAKEOVER

Beach person si Benjamin at isa siya sa mga excited na sa nalalapit na pagbubukas muli ng Boracay.

Pero bawal na mag-party sa naturang isla at limitado na ang makakapasok sa naturang paraiso.

Sabi niya, “Well, kung yun ang ikakatulong… nakaka-excite naman, gusto mong makita kung gaano…yung pagka-rehabilitate nung beach, e.”

May plano na ba si Benjamin na pumuntang muli sa Boracay?

Pahayag niya, “No, may taping kami, e.

“Andun lang naman po…

“Sana po hindi na nila isara ulit and sana nga yung mga pupunta maging maalaga sa kalikasan po natin.

"Dito muna ako sa taping siguro ng Kapag Nahati Ang Puso.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN