Julie Anne San Jose clueless about Regine Velasquez's rumored network transfer

IMAGE Noel Orsal

Julie Anne San Jose on Regine Velasquez's rumored network transfer: "I really don't know what to say. First of all, I didn't know if the rumors are true. But if ever they are or if ever they're not true, I think, si Ate Reg na po siguro ang makakasagot nun."


Maingay na nga ang balitang posibleng lumipat na ng network ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Mula sa pagiging longtime Kapuso niya, balita na susundan na rin niya ang kanyang mister na si Ogie Alcasid sa Kapamilya network.

Nahingan ng opinyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne San Jose na kilalang idolo si Regine.

Pag-amin niya, “I really don’t know what to say.

“First of all, I didn’t know if the rumors are true.

“But if ever they are or if ever they’re not true, I think, si Ate Reg na po siguro ang makakasagot nun.

“Kami naman, nandito lang kami for her.

“And we support her sa lahat ng desisyon niya.”

Nakausap ng PEP.ph si Julie Anne nang magkaroon ng presscon para sa GMA Pinoy TV show nila nina Marian Rivera, Christian Bautista kasama ang mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla na Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim sa October 7.

LONG-TIME IDOL

Sabi nga ni Julie Anne, bata pa lang daw siya, idolo na niya ang Asia’s Songbird.

Lahad niya, “Siya talaga ang nilu-look-up ko.

“At saka yun, ate, ate kasi namin siyang lahat.

“And if ever na lumipat siya, siyempre malungkot, kasi hindi na kami makakanta together, sobrang bihira na lang po.

“But as long as she’s happy.”

HEIR TO REGINE'S KAPUSO THRONE?

Kung mawawala na nga raw si Regine bilang isang Kapuso, may pressure ba siyang mararamdaman na parang isa na siya sa tatayong poste ng network pagdating sa mga singers?

Lahad niya, “Hindi ko naman po iniisip yun.

“Wala po sa isip ko yun.

“Ang gusto ko lang naman po ay kumanta.

“I just want to make people happy.”

Pero kung sakali na sa kanya ibigay ang responsibilidad na yun, masasabi ba niyang handa siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, if ever na bigyan po ako ng ganung klaseng responsibility, may weight po sa shoulders ko na wala na si Ate Reg.

“But I’m not expecting anything naman,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN