Janella Salvador back on good terms with mom Jenine Desiderio

IMAGE @superjanella Instagram / Jenine Desiderio Facebook

Jenine Desiderio reveals being back on good terms with her daughter Janella Salvador is the "best gift" she got on her birthday.  


Inihayag ni Jenine Desiderio na nagkaayos na sila ng anak niyang si Janella Salvador matapos magkaalitan ng mahabang panahon.

Sa kanyang Facebook post kaninang madaling-araw, September 24, ibinahagi ni Jenine na kasama niyang nagdiwang ng kanyang kaarawan si Janella. 

Ayon pa kay Jenine, pinakamagandang regalo na natanggap niya ang pagkakaayos nilang mag-ina.

Pagkatapos ay nag-post din si Jenine ng litrato kasama si Janella at bunsong kapatid nitong si Rusell.

MOTHER-DAUGHTER ISSUES

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang away-bating relasyon nina Jenine at Janella.

Nito lang September 9 ay inihayag ni Jenine ang hinanakit kay Janella dahil mas pinaniwalaan daw nito ang driver na nangupit kaysa sa sariling ina.

Hindi raw maintindihan ni Jenine kung bakit hindi pa pakawalan ni Janella ang driver samantalang hindi raw nito nagagawa nang maayos ang trabaho.

Hiwalay pa rito ang alitan ng mag-ina noong Hulyo, kunsaan inihayag ni Jenine sa Twitter ang inis kay Janella na umano’y “nuknukan ng tigas ng ulo.”

Hindi raw kasi nagpapaalam ang anak sa tuwing aalis ito ng kanilang bahay.

CRYPTIC POSTS ABOUT PHYSICAL VIOLENCE

Ngunit tila nagkasundo ang mag-ina matapos makarating kay Jenine ang matalinhagang post ni Janella na nagsasabing walang sapat na dahilan upang pisikal na saktan ng lalaki ang isang babae.

Hindi tinukoy ni Janella kung base sa personal na karanasan niya ang kanyang tweet.

Ngunit hindi maiwasang maugnay ito sa kumalat na litrato ni Janella, kung saan kapansin-pansin ang pasa nito sa kanang braso.

Hanggang sa nito ngang September 20, nag-post din si Jenine ng pagsang-ayon kay Janella na nagsasabing "#notomenwhophysicallyabusewomen."

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na humingi ng opisyal na pahayag mula kina Janella at Jenine hinggil sa isyu sa pamamagitan ng pagpapadala ng Instagram direct message at Facebook chat.

Ngunit at press time ay wala pang sagot ang mag-ina hinggil sa isyu.   


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN