Piolo Pascual reacts to Robin Padilla's rumored senate run

IMAGE Noel Orsal

Piolo Pascual closes doors on politics: "I think I was cut out to be a celebrity, not a politician, and that's very clear in my head."


Umiinit na naman ang usapin tungkol sa pulitika, lalo't nalalapit na ang filing ng certificate of candidacy (COC) para sa 2019 national and local elections.

Kabilang sa mga lumulutang na pangalang tatakbo sa pagka-senador ay ang ilang mga artista.

Wala man ang kanyang pangalan sa mga survey, inusisa ng media si Piolo Pascual kung may nag-offer ba sa kanyang partido upang maging parte ng kanilang senatorial slate.

Tugon ng 41-year-old actor, "I've got some offers but I've always been honest about my stand in politics.

"I have a better platform in showbiz, which is nakikinig naman ang mga tao at hindi ko na kailangan yun [politics].

"I think I was cut out to be a celebrity, not a politician, and that's very clear in my head."

Sa kanyang muling pagpirma ng endorsement contract para sa Mega Sardines ngayong Lunes, September 24, inusisa rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya star kung susuportahan ba niya ang matalik na kaibigang si Robin Padilla sakaling tumakbo ito sa pagka-senador.

Kabilang si Robin sa Top 20 sa latest Pulse Asia survey na lumabas nitong nakaraang linggo.

Tugon ni Piolo, "Si Kuya Binoe [Robin's nickname]? I don't even think Kuya wants to run if he has been offered.

"I don't think he's gonna run. But if he runs, I'll support him.

"But it's not his ano, e, his calling.

"He can do better in a chosen field, so why run, right?"

Una nang napabalitang tatakbo rin ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes sa pagka-senador sa 2019, ngunit pinabulaanan na ito ng mister ni Marian Rivera.


Stories We Are Tracking

Dingdong Dantes ends speculations about possible Senate run
Dingdong Dantes ends speculations about possible Senate run


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN