Gary Valenciano speaks up about daughter Kiana's breakup with Sam Concepcion

IMAGE Mark Atienza

Gary Valenciano is not worried about daughter Kiana after her breakup with Sam Concepcion. Mr. Pure Energy said, "She's a grown up and she can handle things on her own. If she needs me, I'll be there."


Hindi itinago ni Gary Valenciano na bilang isang magulang ay nasaktan siya sa pinagdaanan ng anak na si Kiana, na nakumpirmang hiwalay na sa singer-actor na si Sam Concepcion. 

Nanatiling tahimik si Kiana tungkol dito, ngunit umamin si Sam na break na sila ng dalaga nang makapanayam siya ng media sa presscon ng kanyang latest movie na Para sa Broken Hearted.

Sa interview naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Gary sa set ng ASAP noong Linggo, September 23, tiniyak ni Mr. Pure Energy na maayos ang kalagayan ni Kiana.

"I think any parent would feel bad, it was a great relationship and, you know, I'm just glad that she is okay.

"I'm always there for her.

"I'm always here for her whenever she needs me.

"She's a grown up and she can handle things on her own.

"If she needs me, I'll be there."


Stories We Are Tracking

Sam Concepcion confirms split with Kiana Valenciano
Sam Concepcion confirms split with Kiana Valenciano

NEW CONCERT

Kinumusta rin namin kay Gary ang kalagayan niya ilang buwan matapos ang kanyang heart bypass surgery, at pagkakaroon ng kidney cancer, na matagumpay naman niyang nalagpasan lahat.

Saad ni Gary, "I'm doing great, balik ako sa gym, balik ako sa pagba-bike, balik ako sa pagko-concert.

"May concert ako on October 13 sa Xavier. It's my first full-length concert, susubukan ko uli after everything."

Ayon pa sa singer-performer, lahat ng ginagawa niya noon sa mga concert niya ay gagawin niyang muli.

"Yes, gagawin ko ang lahat ng ginagawa ko noon.

"Ang kailangan ko lang is to have myself checked every year to make sure I'm okay. That's all I need to do."


Stories We Are Tracking

Gary V undergoes heart surgery
Gary V undergoes heart surgery
Gary Valenciano
Gary Valenciano "getting better" after open heart surgery
Gary Valenciano in good spirits as he battles kidney cancer
Gary Valenciano in good spirits as he battles kidney cancer
Gary Valenciano says he is cleared of cancer
Gary Valenciano says he is cleared of cancer

ABS-CBN BALL

Isa si Gary sa mga sa dadalo sa ABS-CBN Ball, na gaganapin sa Makati Shangri-La sa September 29.

Aniya, "I'm going to attend it for the first time, actually.

"I'm excited kasi, I think, everyone... dati kasi Star Magic Ball, this time it's ABS-CBN Ball, which I feel talagang nagpapatunay na Kapamilya talaga tayong lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think everybody will be there, everybody is excited to look their best and to be their best.

"I'll be with my wife Angeli. Hindi ko alam kung pupunta sila Paolo, Gabriel, and Kiana but I think this would really be something special for me and Angeli."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN