Lani Mercado on son Jolo Revilla after breakup with Jodi Sta. Maria: "Status: confused."

IMAGE @jolo_revilla on Instagram

Lani Mercado says son Jolo Revilla is "still looking" for the woman he will spend the rest of his life with. Last June, Jolo confirmed his breakup with actress Jodi Sta. Maria after being together for eight years.


Ibinunyag ni Bacoor Mayor Lani Mercado ang estado ng puso ngayon ng kanyang anak na si Jolo Revilla.

Noong nakaraang June, kinumpirma ni Jolo ang paghihiwalay nila ni Jodi Sta. Maria pagkatapos ng walong taong relasyon.

“Status: confused,” sagot ni Lani nang usisain ang lagay ng love life ni Jolo sa guest appearance nila sa Magandang Buhay ng ABS-CBN kahapon, September 25.

Kinumpirma rin ni Lani na naghahanap pa rin si Jolo ng babaeng para sa kanya.

"He’s still looking. We do not know what is bound for him. Hindi ko alam.

"Alam mo, mature na si Jolo, e. He just came from a long relationship."

Pero umaasa raw si Lani na si Jolo at iba pa niyang mga anak na lalaki ay makakita ng tamang babae para sa kanila.

“Basta ang wish lang naman ng nanay, e, makahanap sila ng babaeng magmamahal sa kanila, aalagaan ang mga anak nila, pagsisilibihan sila, at sana maging kasing tatag ng marriage namin ang marriage nila.”

Nagsalita rin ang kuya ni Jolo na si Bryan Revilla kung ano ang nami-miss nila kay Jodi.

“Siguro yung mga times na kumakain kami.

"Si Jodi kasi, magaling magluto iyan.

“Pag nagluluto iyan, pinapakain kami lagi niyan, so yun ang nami-miss namin sa kanya.

“Jodi is very kind, very generous, I really enjoy talking with her.”

Sabi pa ni Bryan, nakaka-miss makita sina Jolo at Jodi na sweet sa isat-isa.


Stories We Are Tracking

Jolo confirms being in a
Jolo confirms being in a "difficult situation" with Jodi
Jolo on Jodi:
Jolo on Jodi: "She brought out the best in me."


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN