Angelica Panganiban recalls pain of second breakup with Carlo Aquino

IMAGE @iamangelicap on Instagram

Angelica Panganiban on her second breakup with Carlo Aquino: "Sobra nang sakit, hindi ko siya kayang i-compare sa una, kung ano yung mas masakit. Pero siguro mas may edad na ako nung pangalawa kaya [mas masakit]."


Inamin ni Angelica Panganiban na umikot ang kanyang buhay noon sa ex-boyfriend na si Carlo Aquino kaya dinibdib niya nang husto ang kanilang paghihiwalay.

Matapos mag-break noong unang beses, nagkabalikan sina Angelica at Carlo dahil pakiramdam nila ay may mahal pa rin nila ang isa't isa.

Pero nauwi uli ito sa hiwalayan nang makipag-break si Carlo kay Angelica.

Sa panayam nila sa Tonight With Boy Abunda noong Lunes, September 24, ibinahagi ni Angelica kung gaano kasakit nang makipag-break sa kanya ang dating boyfriend sa ikalawang pagkakataon.

Saad ng aktres, “Sobra nang sakit, hindi ko siya kayang i-compare sa una, kung ano yung mas masakit.

“Pero siguro mas may edad na ako nung pangalawa kaya [mas masakit]."

Nineteen years old lang noon si Angelica.

Patuloy niya, “Ang ginawa ko kasi nun, nag-solo ako.

"Nagpaalam ako sa nanay ko kung puwedeng mag-solo ako ng bahay; na makilala ko ang sarili ko, na ako lang."

Ayon pa sa 31-year-old actress, halos buong buhay niya ay kasama niya si Carlo kaya lubos siyang naapektuhan sa breakup nila.

“Kasi tumanda ako na siya ang kasama, siya ang best friend ko, siya lang lagi, siya yung buhay ko.

“Kaya nung naghiwalay, parang kailangan kong hanapin ang sarili ko at ano ba talaga ang gusto ko.

“Hindi ko pala puwedeng iasa yung happiness ko o yung pag-aalaga ng ibang tao sa ibang tao.”

Pahayag naman ni Carlo, nang makipaghiwalay siya kay Angelica, “Nagpapaalam na ako, humihingi ako ng sorry.

"Kasi parang sinasabi ko sa kanya, hindi ko kaya. Hindi ko na kayang ipaglaban kung ano yung meron kami.”

Saad pa ng aktor, “Alam ko pa na mahal ko pa, pero kailangan ko nang umalis, kailangan ko nang pakawalan.”

Dugtong naman ni Angelica, “Kasi hindi na fair.”

Sa episode ng Gandang Gabi Vice noong nakaraang September 23, inamin ni Angelica na third party ang dahilan sa dalawang beses na paghihiwalay nila ni Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Angelica reveals Carlo broke up with her because of Maja
Angelica reveals Carlo broke up with her because of Maja

NOT FOR PROMO

Inusisa rin ang dalawa kung ang pagiging sweet ba nila ay bilang promo lang para sa kanilang current movie na Exes Baggage.

Paglilinaw ni Angelica, “Hindi po kami nagpapakilig. Ayaw na nga namin, e.

“Kami na nga yung umiiwas, kasi baka ma-misinterpret kasi ng iba na [promo].

“Tsaka antanda na namin.”

Paglilinaw ni Carlo, “Natural lang kasi kami talaga.”  


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN