Maine Mendoza uncertain about AlDub's future

IMAGE Maine Mendoza Instagram

Maine Mendoza in the whirl of activities is grateful for her Sunday rest: "Pahinga, tulog na po ang reward ko sa sarili ko."

 


Wala raw ideya si Maine Mendoza kung magsasama pa sila ni Alden Richards sa isang project bukod sa Eat Bulaga.

Pag-amin ng Kapuso phenomenal star, “Actually, hindi ko po alam.

"In all honesty, hindi ko po alam ngayon kung ano ang plano.  

“Pero hopefully naman po in the future. 

"Pero sa ngayon, parang yun, nag-e-explore muna kami as solo artist."
 
Ano naman ang reaksiyon ng mga tagahanga ng AlDub, ang love team nina Maine at Alden? Tanggap na ba nilang solo career na sila ni Alden?
 
Sabi ni Maine, “Tingin ko naman po naiintindihan at natatanggap naman nila.
 
“Kasi pareho naman po, yung mga AlDub fans, pareho naman po yung suportang ibinibigay nila kay Alden at sa akin, equal din naman po.
 
“Like, suportado ang Victor Magtanggol at kung anuman ang ginagawa ko.  

“So, tingin ko po, medyo natatanggap din po nila na kailangan din naman po naming mag-explore as a solo artist.”
 
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maine sa pictorial at plug shoot ng kauna-unahan niyang sitcom sa GMA-7, ang Daddy’s Gurl.

Gaganap silang mag-ama muli ni Vic Sotto, at si Wally Bayola naman ang gaganap na nanay niya.

BUSY ON HER OWN

Samantala, nagulat at hindi raw inaasahan ni Maine na sa loob lamang ng isang minuto ay sold out agad ang sarili niyang MAC lipstick line nang maging available ito online.
 
“Naloka po ako, grabe!” pakli niya.

“Hindi ko siya in-expect, pero sobrang… siyempre natutuwa po ako.

“Hanggang ngayon, hindi po nagwi-wane ang suporta nila sa akin. Sobrang laking bagay po sa akin yun.
 
“Ewan ko, hindi ko lang talaga ini-expect na hanggang ngayon, ganun pa rin katindi ang pagsuporta nila sa akin.
 
“Kahit na ano ang ginagawa ko, kahit na anong produkto na iniendorso ko, nandiyan talaga sila para sumuporta.”
 
Sa ngayon ay masasabi na ngang isa si Maine sa busiest stars ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Monday to Saturday na Eat Bulaga, may sitcom na siya at may pelikula pang sinu-shoot para sa Metro Manila Film Festival.

Ito ay ang Jak Em Popoy: The Puliscredibles kasama pa rin niya si Vic at si Coco Martin ang leading man niya.
 
May oras pa ba siya para sa sarili?
 
“Every Sunday naman po ako nakakapahinga and napag-usapan naman din po with my management.
 
“Ang ginagawa ko naman po kapag Sunday, nagpapahinga lang talaga ako.

“Natutulog lang ako buong araw para lang makabawi.  

“Pahinga, tulog na po ang reward ko sa sarili ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN