Richard Juan thankful Super Typhoon Mangkhut spared his family in Hong Kong

IMAGE Noel Orsal

Richard Juan thankful his family in Hong Kong remained safe when Super Typhoon Mangkhut slammed the city state: "I'm honestly lucky that I wasn't there."


Ipinagpapasalamat ni Richard Juan na hindi niya inabot ang Super Typhoon Mangkhut nang magbakasyon siya sa Hong Kong kamakailan.

Sa Hong Kong ipinanganak si Richard at dun din kasalukuyang naninirahan ang kanyang pamilya.

Saktong nakauwi na ng Pilipinas si Richard noong September 15, Sabado, isang araw bago mag-landfall sa Hong Kong ang super typhoon.

Umabot sa signal No. 10—ang pinakamataas na tropical cyclone warning signal—ang inisyu ng Hong Kong sa mga residente nang dahil sa Typhoon Mangkhut. 

Kuwento ng dating Pinoy Big Brother housemate, "I'm honestly lucky that I wasn't there.

"I remember my flight back to Manila was on Saturday, 6 p.m. And I was so scared that it might get cancelled and I had work pa on Monday.

"So parang, like, thank God, I was able to fly out."

Dagdag pa ni Richard, "This is the most devastating typhoon we've had in history.

"Like, it's ridiculous how you see videos of cranes falling, the bamboo sticks that fold up, the construction falling around."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa opening ng Coach boutique sa Power Plant Mall, Makati City, noong Huwebes, September 20.

Ligtas ang mga kamag-anak ni Richard sa Hong Kong, ngunit nagtamo rin ng pinsala ang kanilang tirahan doon.

Maigi raw ang paghahandang ginawa ng pamilya ni Richard bago dumating ang super typhoon.

Kabilang dito ang pagti-tape sa mga bintana upang hindi ito kumalat kung sakaling mabasag ang mga ito.

Sabi pa ni Richard sa mga biniling masking tape ng ina, "My mom went crazy, she bought a lot because safety first and kesa mabasag yung windows.

"The funny thing is, the only window we forgot to do was the toilet and nabasag yung isa.

"They were worried in a sense how long it will be... 'Cause things were really shaking.

"We live in a high building. My friend's house, yung chandelier nila, it was shaking."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unti-unti na ring bumabalik sa dati nilang pamumuhay ang mga kababayan ni Richard sa Hong Kong.

Aniya, "It's good to see that a lot of people help cleaning up.

"Growing up in Hong Kong, I didn't think people would ever experience this.

"So I'm surprised to, you know, see people help cleaning up.

"Of course, schools are all canceled but, yeah, people are getting back to their normal life again and I'm glad to see that."


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN