Enchong Dee shrugs off bashers opposed to his politics

IMAGE Arniel Serato

Enchong Dee on bashers: "I think it's okay na may ganun kasi it only shows that we have our free speech."


Aminado si Enchong Dee na very vocal siya pagdating sa kanyang pananaw sa pulitika, lalo na kapag nakakaapekto ito sa karamihan nating mga Pilipino.

Ang huling matapang niyang post sa social media via Twitter ay ang tungkol sa mungkahi ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III na palitan ang huling linya ng ating Pambansang Awit na "Lupang Hinirang."

Sabi ni Enchong sa kanyang tweet noong September 22, "When our entertainers lead the nation and the leaders of our nation entertain… we are doomed."

Kalakip nito ang tweet ng ABS-CBN News sa mungkahi ni Vice Ganda kung ano ang dapat unahing lyrics ng mga kanta ang palitan.

Inusisa ng media si Enchong sa kanyang pagiging vocal pagdating sa pulitika.

Saad niya, "Well, without expounding on it, gusto ko lang ipakita sa mga tao na Pilipino ako, Pilipino tayo, may responsibilidad tayo, yun lang, yun lang.

"And wala namang mag-aalaga sa bansa natin kundi tayo lang din.

"So yun lang, dun lang ako nanggaling.

"I mean, gusto ko lang na, like, gusto ko lang makikita ng mga tao yung mga kadiri.

"Gusto ko nga na makikita ang mga kababayan natin na makaka-afford ng murang pagkain, murang healthcare, murang education, yung ganun, nandun lang ako."

Kadalasan, nababa-bash ang Kapamilya actor dahil sa kanyang paglalahad ng opinyon. Pero wala raw siyang angal tungkol dito.

Saad ng 29-year-old actor, "That's how democracy is made of. You have opposite opinions but you go forward as one.

"So, I think it's okay na may ganun kasi it only shows that we have our free speech."

Nakikita ba niya ang sarili bilang public servant in the future?

Natatawang pagtanggi ng actor-businessman, "No, no, no! Huwag. Ayoko, ayoko, ayoko.

"Gusto ko lang magnegosyo, yun lang ang gusto ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at tatlo pang showbiz reporters si Enchong sa intimate presscon ng kanyang bagong show na Extreme Ends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ang presscon sa isang Thai restaurant sa Makati City nitong Miyerkules, September 26.

DREAM COME TRUE

Masaya si Enchong na natupad na sa wakas ang isa pa niyang pangarap na magkaroon ng show sa ibang bansa at ipalalabas pa sa buong Asia.

Ito ang Extreme Ends na iprinodyus ng Hong Kong-based TV station na KIX, katuwang ang Celestial Tiger Entertainment.

Kuwento pa ng binata, "Sinasabi ko nga, siguro it was just a dream na kung mangyayari, great, kung hindi, okay lang din, at least na-experience ko siya.

"'Tapos, I'm sure it would open more audience for me. It would open more opportunities in the future/

"Pero I don’t wanna put expectations na after this one, hopefully meron pang ganun.

"May mga inquiries… if it's meant, it will happen. 'Tsaka sabi ko nga, 'Oo, dream come true.'

"Kasi, nga nung nalaman ko 'to, ipina-move naming lahat ang schedule ko for that week na, 'I-adjust natin, let's accommodate this Extreme Ends, kasi once in a lifetime."

Ang Extreme Ends ay isang action-reality series kung saan kinunan ang lahat ng kanyang extreme adventures ng limang araw sa Hong Kong kasama ang kanyang partner na si Ria Atayde.

 IMAGE PR Photo

Mayroon itong apat na episodes kung saan ang tatlo ay tatampukan ng tatlo pang celebrities mula sa Southeast Asia.

Mapapanood ito sa October 17, 9:30 p.m., sa KIX TV.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN