Louise delos Reyes willing to live in with boyfriend

IMAGE Noel Orsal / Louise delos Reyes Instagram

Louise delos Reyes seems set on following her heart more than pursuing her career further. She said, "Yung pag-aartista sa akin, it's a job. Hindi siya yung ending ko talaga. Ang puso... Mahirap kapag yun ang kinokontra."


Base sa mga Instagram post ni Louise delos Reyes, open na ito ngayon pagdating sa bagong karelasyon.   

“The Best Boyfriend” kung tawagin niya ang kanyang non-showbiz boyfriend.
 
Pabirong sabi pa ni Louise sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, “Hindi ba halata?”  

Paliwanag ng 26-year-old actress tungkol dito, “Siguro kasi nag-mature na rin ako in a way.  

“Siguro kung mature ako dati, mas mature ako ngayon, at mas hindi siya restricted, e.
 
“Kapag hindi ka restricted, parang feeling mo buhos ka rin.”
 
Nakilala raw niya ang non-showbiz boyfriend through a common friend.  

Walong buwan daw silang nagdi-date bago niya ito sinagot. Tatlong buwan pa lang daw ang relasyon nila.
 
Natawa si Louise nang tanungin kung bakit ito lang ang nasabihan niya ng "Best Boyfriend" gayong ang tagal nila ng ex-boyfriend na si Champ Lui-Pio at ganun din sila ni Enzo Pineda.
 
Paliwanag niya, “Kasi never akong nag-try sa kanya na maging ibang tao.
 
“‘Tapos, lahat ng dreams ko, sinusuportahan niya at dinadagdagan niya, and ganun din siya sa akin.  

“Parang ngayon lang ako nagkaroon ng partner, I must say, na tandem talaga kami in everything.”

LIVE-IN ARRANGEMENT

Dahil open at tila wala nang kiyeme si Louise na sumagot ngayon pagdating sa karelasyon, tinanong namin siya nang diretso kung nagli-live in na ba sila ng boyfriend.
 
“We’re not so... not so!” ang natawang sagot niya.
 
Not so?
 
“Not so nga, wala pa siyang gamit sa bahay, e.”
 
So, okay sa kanya kung sakaling mag-live in sila?
 
“Okay lang din, okay lang din,” tugon niya.
 
“At saka, he’s very open with his family and I’m very open with my family. 
 
“Actually, dahil sa kanya parang mas naging close ako sa mga kapatid ko, sobrang barkada sila ng kuya ko.  

“Nagkakilala lang sila nung Father’s Day this year… pero naging super close na sila, barkada. 
 
“Minsan, tumatawag na nang diretso yung kapatid ko sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise sa press conference ng pelikula niya na Para Sa Broken Hearted ng Viva Films last week.

PAST DEADLINE

Twenty-six years old na si Louise at inamin nitong, any time, handa na siyang magpakasal.

Napag-uusapan na rin daw nila ng boyfriend ang tungkol dito.
 
“Napag-uusapan na rin. We’re building our lives together as early as now.  

“Parang kung ano yung goals niya, tinitingnan ko kung dun na rin ba papunta yung sa akin.

“Okay lang kasi sa track din naman ng career ko ngayon, hindi na yun ang path ko talaga.

“Matagal ko nang ginib-ap sa sarili ko, and from the start din naman, yung pag-aartista sa akin, it’s a job.
 
“And hindi siya yung ending ko talaga.”

Nilinaw ni Louise na wala pang proposal na nagaganap sa kanila. Pero kung sakali man, handang-handa na raw siya talaga.

“Actually, nahuli na nga ako sa deadline kasi my dad passed away.”
 
Dalawang buwan na raw namamayapa ang ama niya.
 
Ayon pa sa Viva artist, “Deadline ko talaga makapag-asawa ako habang buhay pa ang dad ko.
 
“Pero at least nakilala niya ang dad ko and he was there nung nangyari ang lahat ng yun.

“Kaya rin siguro ganun din ang attachment ko sa kanya.”
 
Sa cast naman ng Para Sa Broken Hearted ay tila siya ang may pinakamaraming hugot pagdating sa pagiging broken hearted kumpara sa co-stars niya.

Kasama niya sa cast sina Sam Concepcion, Marco Gumabao, Shy Carlos, at Yassi Pressman.
 
May maipapayo ba siya sa mga dumadaan sa ganitong sitwasyon?
 
Ayon kay Louise, “Siguro ‘wag magmadali and palaging pakinggan kung ano ang nasa puso, hindi yung sinasabi ng iba.”
 
Paano siya mag-move on?
 
"Matigas kasi ang ulo ko, e!" natatawang pag-amin niya.
 
“Matigas ang ulo ko so hindi talaga ako nakikinig, may good side din kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi nila naaapektuhan kung ano ang desisyon ko sa buhay ko, lalo na sa heart.
 
“Feeling ko kasi, ang puso parang magkaibang entity sila ng katawan.  

“Ang puso, meron siyang sariling utak na susundin. Mahirap kapag yun talaga ang kinokontra.”

Mapapanood na ang pelikula simula sa October 3.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN