Assunta de Rossi worst critic of her looks: "Hindi naman nila ako nakitang naked!"

IMAGE Jerry Olea

Assunta de Rossi on being the worst critic of her own physique: "Siyempre, when I see myself naked, of course, parang... Hindi naman sa nai-insecure, pero tinatanggap ko na. Sabi ko, 'I'm not 19 or 18 anymore!' Okey lang din naman. Pero siyempre, as much as possible, sana, for private consumption na lang yun."


Maraming celebrities ang pumapalag o sensitibo sa body shaming, lalo na ang mga GGSS o Gandang-Ganda Sa Sarili.

Iba sa kanila si Assunta de Rossi, na siya mismong nang-ookray sa kanyang katawang lupa.

"Nagiging honest lang naman ako!” sabi ni Assunta nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng trilogy movie na Tres noong Setyembre 24, Lunes, sa 9501 Restaurant ng ELJCC Building, ABS-CBN Compound, Quezon City.

Dugtong niya, "Wala naman akong magagawa, di ba?”

Parang ayaw mag-agree ng ilang entertainment reporters sa panlalait ni Assunta sa sarili.

Sabi nga ni Andrea "Andeng" Bautista Ynares, maganda ang aktres at kung hindi nag-artista ay puwedeng beauty queen.

Si Andeng ay nakababatang kapatid ni dating Senator Bong Revilla at tumatayong executive producer ng Imus Productions, na nagprodyus ng Tres.

Pero matatas na bulalas ni Assunta, "Siyempre, hindi naman nila ako nakitang naked!

"Siyempre, when I see myself naked, of course, parang... Hindi naman sa nai-insecure, pero tinatanggap ko na.

"Sabi ko, 'I’m not 19 or 18 anymore!'

"Okey lang din naman. Pero siyempre, as much as possible, sana, for private consumption na lang yun."

Late '90s hanggang early 2000 ay pinagbidahan ni Assunta ang ilang sexy films, tulad ng Hubog at Red Diaries.

Kung kumpiyansa noon si Assunta sa pagpapa-sexy, hindi na raw niya kayang magbilad ng katawan sa pelikula ngayon.

"E, kasi, baka mandiri ang mga sho-o!" natatawang tukoy ni Assunta sa posibleng reaksiyon ng ibang tao kapag nagpa-sexy pa siya. 

Parang napanganga ang mga tao sa mga pahayag ni Assunta sa mediacon.

"Nagiging totoo lang naman ako!” pagdidiin ng aktres.

"Ayoko rin naman kasing masabihan na, 'Oy, abangan niyo ang ganito!' Tapos, makikita nila, 'What the f*ck, dude?'"

Sa edad niyang 37, hindi maikakailang maganda pa rin si Assunta.

Pero aniya, "Iyon na nga, I’m just being honest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, napakadaming changes. Fifteen years, 16 years is a lot din naman talaga.

"And then, when I reach 40, when I reach 50, of course, may changes.

"Unless bampira ako. Sobra naman yun! Imposible yun! Walang bampira, 'no?!"

NOT A RETOKADA BEAUTY

Gayunman, hindi maitatangging Assunta is aging gracefully kumpara sa ibang kasabayan niya.

"Maybe because hindi ako mahilig sa retoke!" natatawang saad niya.

"Kasi nga, palalayasin ako sa bahay pag nangyari yun. Sayang nga, e!"

Naniniwala raw si Assunta na walang masama sa pagpaparetoke.

Paglilinaw ng aktres, "Actually, puwede naman! Hindi naman imposible. It’s just that, wala akong time for that.

"Gusto ko, lagi akong nakadikit sa dyowa! Lagi kong kasama yung mga barkada ko, kapatid ko.

"Iyon ang kaligayahan ko rin talaga."

Kaya na raw madala sa makeup ang pagpapaganda.

"I don’t have too much time for vanity. But of course, it doesn’t mean na hindi ko inaalagaan ang sarili ko.

"It’s just that, of course, sa ganitong edad, consistency is key, di ba?

"E, hindi naman ako puwedeng tumira sa derma every day o mag-gym every day.

"Baka pag-uwi ko sa bahay, ibang babae na ang nakatira roon! Ano ba?!

"Inuna mo pa talaga yung vanity over everything else?!

"Tanggap nga ako ng family ko for what I am!”

JUST THE WAY JULES LIKE IT

Aware ba ang mister niyang si Jules Ledesma na nilalait niya ang sariling pangangatawan?

Sagot ni Assunta, "Nakikita naman niya. Nakikita naman niya lagi.

"Kami pa ba?! We’ve been together for 16 years.

"Pero pag sinasabi ko, 'Feeling ko, ang taba-taba ko! Ang laki-laki ng tiyan ko!’

"Sasabihin nun, 'Iyon nga ang gusto ko. Okey lang iyan.’

"So, at least, binibigyan niya ako ng confidence kahit paano." 

Si Assunta at dating congressman na si Jules ay 14 years nang kasal at dalawang taong naging magkasintahan. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa loob ng panahong pagsasama nila ay ipinaramdam daw ni Jules na wala siyang dapat ika-insecure sa kanyang katawan. 

Dagdag ni Assunta, "Well, yun din naman kasi ang mga type niya, yung mga big, beautiful women, ganun.

"So, kahit meron akong cottage cheese situation, okey lang sa kanya.

"Ewan ko, hindi siya ganun ka-vain or naghahanap na, 'Kailangan yung asawa ko, Barbie doll talaga!'"

Mas may ganda points daw ang brains kaysa pisikal na hitsura sa mister niyang si Jules. 

"It doesn’t really matter. It’s what’s in here that matters,” pagturo pa ni Assunta sa kanyang utak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN