Sanya Lopez unfazed by questions about her virginity: "Wala akong kailangang itago."

IMAGE Noel Orsal

Sanya Lopez on dealing with controversial questions from the entertainment press: "Siguro nagpakatotoo lang ako kung anong nararamdaman ko." 


Hindi nailang, nairita o nagulat man lang si Sanya Lopez nang putaktihin siya ng tanong tungkol sa pagpayag niyang sumabak sa isang sexy film sa kabila ng kawalan niya ng sexual experience.

Kaugnay ito ng pinagbibidahan nilang pelikula ni Derrick Monasterio, ang Wild and Free, kung saan sumalang sila sa ilang maseselang love scenes.

"Siguro nagpakatotoo lang ako kung anong nararamdaman ko,” nakangiting saad ni Sanya.

"Actually, sabi nga nila sa akin, medyo mild pa iyan. May mas malala pa.

"In-expect ko na yung mga ganyang question."

Usapan man tungkol sa kanyang virginity o kung papaano niya haharapin sakaling may mag-isyu ng indecent proposal sa kanya ay suwabeng nasagot ni Sanya, na kilalang NBSB o no boyfriend since birth.

Kaya raw niyang harapin kahit na ano pang isyung itanong sa kanya.

Giit ni Sanya, “Wala akong kailangan itago, wala akong kailangan ipaliwanag nang sobra-sobra.

“Kung anong gusto niyong malaman, sasabihin ko kung ano yung totoo.”

Solong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sanya pagkatapos ng presscon ng Wild and Free, na ginanap sa Valencia Events Place sa Quezon City, noong Martes, September 25.

Sa trailer pa lang ng pelikula ay todo na ang ipinakitang love scenes sa pagitan nina Sanya at Derrick.

Pero ayon kay Sanya, umpisa pa lang ay buo ang loob niyang pinasok ang proyekto.

Hindi lang naman daw sila basta nagpa-sexy ni Derrick dito, kundi kapupulutan din ng aral ang kuwento ng pelikula.

“Talagang ang inisip ko, kung anong mangyayari sa akin after this, kung ano yung story talaga.

“Importante sa akin, kahit hindi movie, kahit teleserye o kahit guestings, importante yung story.

“Tsaka ang iniisip ko, after nito, makita ng tao na yung movie na ito ay may puso talaga.”

Bilang talent ng GMA Artist Center, malaking bagay rin daw para kay Sanya na suportado ng GMA bosses ang pagkakaroon niya ng sexy image.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo. Palagi naman nila sinasabi sa akin, ‘Huwag kang mag-alala, pag-aaralan muna namin bago ibigay sa iyo ang isang proyekto at for sure naman aalagaan ka namin.’

“So, dun ako nakakakapit. Pinanghahawakan ko siya.”


Sanya Lopez, wala pa raw sexual experience sa edad na 22
by Jojo Gabinete posted on September 26, 2018 7:30 am

Ang virginity ni Sanya Lopez ang topic sa presscon ng Wild & Free, ang launching movie nila ni Derrick Monasterio sa Regal Entertainment, Inc., kagabi, September 25.

Ang akala ng iba, gimmick at press release lang para sa Wild & Free ang pagiging inosente sa kamunduhan ng 22-year-old Kapuso actress na hindi pa nagkakaroon ng boyfriend.

IMAGE Noel Orsal

Pero pinatotohanan ito ng direktor na si Connie Macatuno.

Ayon sa direktor, "Walang experience si Sanya.

"Ayoko rin naman na ma-turn off siya.

"So, sinabi ko kay Derrick na alagaan namin si Sanya, kasi meron maiiwan na impact sa kanya.

"Pinapanood ko muna si Sanya ng certain sexy films. Sabi ko, 'Silipin mo itong mga pelikula na 'to para malaman mo…'

"Na-shock daw siya.

"Hindi X-rated movie ang ipinapanood ko sa kanya.

"Gusto ko R movies lang para may turn-on factor siya para may maiiwan pa sa imagination.

"Yung lovemaking nila ni Derrick sa loob ng kotse, that was the first intimate sequence na kinunan namin.

"I spent like about thirty to forty five minutes talking to them outside the car.

"Ang ginawa ko, inihanda ko muna sila bago gawin ang eksena para wala nang hiyaan.

"Tinatanong ko si Sanya sa nararamdaman niya every time na natatapos ang eksena.

"Kung ano yung napi-feel niya, sinasabi naman niya sa akin," ilang detalye na ikinuwento ni Connie tungkol sa mga sexy scene na ipinagawa niya kay Derrick at sa no-sexual-experience yet na si Sanya.


posted on October 19, 2018 6:41 am




ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN