Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli Italy photo leaked online

IMAGE @isgfan and @mateoguidicelli on Instagram

During their trip to Europe for their fifth anniversary, Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli went to Italy, where they visited some of his relatives. 


Nag-leak sa Instagram ang isang larawan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na kuha sa Italy, kung saan nila ipinagdiwang ang kanilang fifth anniversary.

Ito ay sa kabila ng hindi nag-post ang Fil-Italian actor-singer ng mga larawan nilang magkasama ng Popstar Princess sa kanyang sariling Instagram account.

Pero sa Instagram account ng isang @isgfan, makikitang magkasama ang Kapamilya couple na bumisita sa isang kamag-anak ni Matteo na naninirahan sa Italy.

View this post on Instagram

A post shared by Sarah Geronimo Fan (@isgfan) on

Dito ay ibinahagi ng fan ang screenshots ng impormasyon ng isang distant cousin ni Matteo tungkol sa pagbisita nito at ni Sarah.

Ayon sa distant cousin ni Matteo, hindi niya nakita sina Sarah at Matteo dahil hindi niya alam na bibisita ang dalawa.

Base sa screenshots, ang naabutan nina Sarah at Matteo ay ang ama ng distant cousin.

Mapapansin din na ang damit na suot ni Matteo sa nag-leak na larawan ay pareho ng suot niya sa larawang ipinost niya sa kanyang Instagram account at may check-in place na Venice, Italy.

View this post on Instagram

A post shared by Matteo Guidicelli (@mateoguidicelli) on

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ng kanilang trip, dumiretso pauwi si Matteo sa Pilipinas habang nagtungo si Sarah sa Dubai, UAE para sa showing ng pelikula niyang Miss Granny at kanyang concert noong September 20.

Nakabalik na rin si Sarah sa bansa at nag-perform pa sa show ng kanyang iniendorsong fastfood chain nitong Miyerkules, September 26.


Stories We Are Tracking

Sarah, Matteo to celebrate fifth anniversary in Europe?
Sarah, Matteo to celebrate fifth anniversary in Europe?
Matteo laughs off absence of Sarah in his photos in Italy
Matteo laughs off absence of Sarah in his photos in Italy
Matteo confirms coffee dates with Sarah in Italy
Matteo confirms coffee dates with Sarah in Italy


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN