Jake Zyrus no regrets divulging family secrets to public

IMAGE Arniel Serato

Jake Zyrus on being content and stable: "Hindi ako mayaman. Pero I'm proud to say na we have our own home, we drive our own car, we pay our own bills, and that makes me feel human."


Walang pinagsisisihan si Jake Zyrus sa kanyang naging desisyong yakapin at ipaalam sa buong mundo ang tunay niyang pagkatao.

Na siya ay isang lalaki at hindi babae, katulad sa nakagisnan nating si Charice Pempengco na tinaguriang "the most talented girl in the world."

Diin ng 26-year-old singer, “O, no. No, no, no, no, no.

"Even my mistakes na ginawa ko before, sabi ko, lagi ko sinasabi sa sarili ko na parang, when you make a mistake, never ever just go to a corner and start blaming yourself.

"Think about those mistakes as your what’s next or to understand bakit ko nagawa 'to.

“Everything, almost everything is a choice and, obviously, those mistakes na ginawa ko before—sa career man, sa family man—hindi ako perpekto.

“Lahat yun, lahat yun I refused to blame myself or other people.

“Kasi kapag, una sa lahat, if I start blaming myself, then I hurt myself more. 

"Then I get insecure, then madi-depress ako, dun mag-uumpisa lahat.

“And if I start blaming other people then I hurt them without me even knowing it.

“So, when I make mistakes, okay, I cannot let this happen again. I move forward and I learn from it.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa presscon ng kanyang librong I Am Jake noong nakaraang Biyernes, September 21.

THE SECRETS OF HIS LIFE

Sa mga isiniwalat niyang sikreto sa kanyang libro, hindi ba siya natatakot na malaman ng mga tao ang lihim ng kanyang buhay?

Tugon ni Jake, “No. Kasi ano, e, this is just not to para malaman lang nila istorya mo, o para maawa sila sa iyo or magbago ang perspective nila.

"Kasi, you know, I cannot push them to like me or to accept me or anything.

“But this is for those people out there, sa mga kabataan, who are struggling and thinking na, ‘Ano ba to?’ ‘Ako lang ba yung may ganitong istorya?’ ‘Ako lang ba yung may ganitong nararamdaman?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Again, it’s a survival book for me. It’s a survival story.

"And I wanna share it to everybody who are struggling and yung mga tao na ang iniisip nila wala nang hope, ‘Maybe, I should end this life.’”

Patuloy niya, “No, because lahat yun, lahat yung sinasabi nila, yung reasons kung bakit gusto nila i-end yung life nila o halos pareho nung lahat nung pinagdaanan ko.

“I hope maging inspirational yung book sa kanila.”

Dagdag pang rebelasyon ni Jake, ilang beses na niyang pinagtangkaan ang kanyang buhay noon.

Aniya, “Two times. Those two times, I really wanted to end this life.

“Kasi nasa U.S. na ako nun, e. Oo, Charice na ito. Yeah, tapos na… Oprah [Winfrey] happened, Ellen [DeGeneres] happened.

“Everybody thought I was having the time of my life, and everybody thought na I was ungrateful.

“Hindi nila alam na kaya ko nga hindi matigil lahat because ayokong isipin na ungrateful ako.

"But I was the one who was really having a hard time sa lahat ng bagay emotionally, especially.

“So I really tried to end my life for how many times and there was a time na, every time, kapag nagising ako, sinasabi ko sa sarili, ‘Why? Why, I’m still alive?’”

NO REGRETS

Hindi ba siya nanghihinayang dahil hindi na niya maibabalik ang dating kasikatan ni Charice?

Tugon ni Jake, “Does everybody think that I’m after fame? After all these years?

“I mean, that’s just the question.

"Just give those questions back to these people, ‘Are you actually thinking that I’m after for fame? After everything that’s been happening to me?’

“You know what I want? Gusto ko lang makaipon. I want to have a stable life.

“I want to have a business someday, I want to marry the woman I love, and I want a normal life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I will still keep singing. Probably someday kung hindi man talaga, kung hindi man talaga sikat na sikat talaga, I would continue to keep working.

“I won’t stop singing.”

Kuntento ba siya sa kanyang buhay at karera ngayon bilang si Jake Zyrus?

Sagot niya, “Contented ako sa buhay ko at sa mga taong nakapaligid sa akin.

“Kuntento ako sa kung anuman ang status ng life ko ngayon.

"With my career, I can never be disappointed. Sa career, hindi ako disappointed.

“You know where I’m disappointed? To a lot of people.

"Because kung sa trabaho lang, hardworking akong tao.

“But most people won’t let me work because paano ka makakatrabaho, especially social media?

“The power of social media, hindi naman magwu-work yun without a number of people, without the people talking, without the people appreciating you, respecting you for the likes button or everything.

"The more you have it, the more you have work.”

Gaano ba siya ka-stable ngayon?

Ayon kay Jake, “Hindi ako mayaman.

"Pero, I’m proud to say na we have our own home, we drive our own car, we pay our own bills, and that makes me feel human.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN