Angel Locsin recalls special moment with Vilma Santos at Mother Lily's birthday party

IMAGE Noel Orsa/ / Instagram

Angel Locsin opens up about a video where she is seen exchanging pleasantries with Lipa City Representative Vilma Santos at Mother Lily's birthday bash last month. Vilma is the mother of Angel's ex-boyfriend, Luis Manzano,


Nagsalita si Angel Locsin hinggil sa pagkikita nila ni Lipa City Representative Vilma Santos sa 80th birthday celebration ng film producer na si Mother Lily Monteverde noong nakaraang buwan.

Si Vilma ang ina ng dating boyfriend ni Angel na si Luis Manzano.

Sa video na kumalat sa social media, makikitang nilapitan ni Angel ang 64-anyos na actress-politician sa kanyang table. Nagbatian at nagyakapan sila.

Ikinatuwa ito ng maraming netizens dahil napanatili ng dalawa ang magandang relasyon sa kabila ng hinatnan ng relasyon nina Angel at Luis.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angel sa Avon Fashions Bag Collection preview na ginanap sa Marquis Events Place, Bonifacio Global City, Taguig, nitong Huwebes, September 27.

Dito ay kinunan siya ng pahayag tungkol sa pagkikita nila ni Vilma.

Ayon kay Angel, “Hindi ko in-expect na makukunan, kasi nagtatago ako sa ilalim nun, e.

“Kung napansin niyo, nakaupo naman [ako], pero mukhang magaling yung mga tao na nakunan yung moment na yun.

“Pero ako kasi, wala akong masabi kay Gov. She’s very gracious, very kind ever since talaga, that’s why I love her.”

Karelasyon ngayon ni Angel ang businessman na si Neil Arce, habang girlfriend ni Luis ang aktres na si Jessy Mendiola.


Stories We Are Tracking

Vilma Santos, Angel Locsin hug at Mother Lily birthday bash
Vilma Santos, Angel Locsin hug at Mother Lily birthday bash

Samantala, busy ngayon si Angel sa taping ng pinagbibidahan niyang prime-time series sa ABS-CBN, ang The General’s Daughter, na nakatakdang ipalabas sa 2019.

Kuwento niya, “Nagti-taping kami, napakalayo ng mga probinsiyang pinupuntahan namin.

"Pero happy na rin kasi nakikita natin ang mga kababayan natin, nabibisita natin.

"So, abangan nila ang The General’s Daughter."


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN