Ynez Veneracion happy for friend Sunshine Cruz's "victory"

IMAGE Arniel Serato

Ynez Veneracion hopes best friend Sunshine Cruz will end up with boyfriend Macky Mathay: "Sobra talaga, kaya sabi ko sana talaga siya na. Pero sa nakikita ko siyang-siya na talaga."


Isa sa masaya sa pagkaka-grant ng annulment of marriage nina Sunshine Cruz at Cesar Montano ay ang best friend ng aktres na si Ynez Veneracion.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ynez sa isang party kamakailan, inihayag nito ang nararamdaman tungkol sa bagong kabanata sa buhay ni Sunshine.

Saad niya, "Sobrang love ko iyan kasi napakabait niyang tao.

"Alam mo na kahit sikat na iyan, wala talagang kaere-ere, hindi mo siya makikitaan ng yabang.

"Yung iba kasi, nag-uumpisa pa lang, ang yabang na.

"Yung iba, nagkaroon lang ng konting pangalan, sumobra na ang yabang, wala nang kilala.

"Pero ito, from the very beginning na nakilala ko siya, mula noon hanggang ngayon, talagang Sunshine Cruz, may pangalan at magaling na aktres, hindi talaga nagbago.

"Alam mo yun, ang bait-bait talaga.

"Kaya, I'm so happy for her. This is a victory."

 IMAGE Arniel Serato

Naigawad kay Sunshine ang annulment papers ng kasal nila ni Cesar noong September 18, 2018 pagkatapos ng halos apat na taong pagdinig sa korte.

Ano ang wish ni Ynez para sa kanyang best friend?

Pabirong tugon niya, "Wish ko ikasal siya ulit, charot!"

Pero seryoso nang sabi ni Ynez, "E, di wish ko sa kanya more happiness, more blessings to come, more projects.

"And since ayan, since happy naman na siya, sana talagang forever na ang happiness niya.

 IMAGE Arniel Serato

"And ramdam ko talaga na forever na talaga kasi ang bait-bait ni Macky.

"Sabi ko nga, sobrang bait ni Macky. Grabe yung mga kinukuwento niya sa amin, kung gaano kabait yung tao.

"Sobra talaga kaya sabi ko, sana talaga siya na.

"Pero sa naikita ko siyang-siya na talaga."

Si Macky Mathay ang boyfriend ni Sunshine sa loob ng dalawang taon.

Ipinagdiwang nila ang kanilang second anniversary noong araw na naigawad ng korte sa aktres ang pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Court grants annulment of Sunshine Cruz, Cesar Montano
Court grants annulment of Sunshine Cruz, Cesar Montano
Sunshine Cruz ecstatic over annulment of marriage
Sunshine Cruz ecstatic over annulment of marriage
Sunshine Cruz explains daughters' reactions to annulment
Sunshine Cruz explains daughters' reactions to annulment
Celebrities congratulate Sunshine Cruz on her annulment
Celebrities congratulate Sunshine Cruz on her annulment


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN