KC Concepcion shows holding hands photo with boyfriend Pierre-Emmanuel Plassart

IMAGE @peplassart Instagram

KC Concepcion reminisces about the first time she met French boyfriend Pierre-Emmanuel Plassart in October 2011. 


Aminadong miss na miss na ni KC Concepcion ang kilig moments nila ng French boyfriend niyang si Pierre-Emmanuel Plassart. 

Sa Instagram post ni KC ngayong Biyernes, September 28, ibinahagi nito ang holding hands photo nila ni Pierre na kuha noong nagbakasyon ang dalaga sa Paris, France kamakailan. 

Kalakip nito ang sweet caption ni KC tungkol sa unang pagkakataong nagkakilala sila ni Pierre pitong taon na ang nakararaan. 

Ayon kay KC, sa sobrang pagka-gentleman ni Pierre ay nauna itong nagpakilala sa ina niyang si Sharon Cuneta bago pa simulang pormahan ang dalaga. 

"This guy approached my Mom 7 years ago at our dinner table that night, just so that he could meet me... Wish you were here tonight to celebrate with us chéri! @peplassart #My40YearsSharon" 

Ang cheri ay French word para sa salitang "darling." 

Nagpahiwatig din si Pierre na nami-miss niya si KC nang mag-post siya sa Instagram ng litrato ng dalaga noong September 25. 

WORTH THE WAIT

October 2011 nang makilala nina KC at Sharon si Pierre sa gala dinner para si dating U.S. President Bill Clinton. 

Noong panahong iyon ay boyfriend pa ni KC si Piolo Pascual.

Ngunit November 2011 nang aminin ni KC na hiwalay na sila ni Piolo at tatlong buwan bago iyon ay problemado na ang kanilang relasyon. 

September 2012 nang mabalitang masugid na nanliligaw kay KC si Pierre.

Hanggang sa pagsapit ng February 2013, inihayag ni KC na pinatigil na niya ito sa panliligaw dahil hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon. 

Sabi pa ni KC noon, kung "true love" ang nararamdaman ni Pierre para sa kanya ay mahihintay siya nito. 


Stories We Are Tracking

<strong></strong>KC Concepcion finally admits breakup with Piolo Pascual; refuses to say why
KC Concepcion finally admits breakup with Piolo Pascual; refuses to say why
KC Concepcion’s French suitor flies to Italy just to have dinner with her
KC Concepcion’s French suitor flies to Italy just to have dinner with her
Ramon Bautista to anchor fake news program, <em>May Tamang Balita</em>
Ramon Bautista to anchor fake news program, May Tamang Balita

Tila natupad naman iyon ngayong magkasintahan na ang dalawa at aprubado pa ng kani-kanilang pamilya ang relasyon nila. 

Wala man ngayon sa bansa si Pierre para sa 40th anniversary concert ni Sharon, panay ang tag ng Megastar sa binata sa Instagram updates nito tungkol sa concert kung saan kasama rin si KC. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Piolo happy ex-girlfriend KC is back with French BF
Piolo happy ex-girlfriend KC is back with French BF
KC Concepcion gets approval from French boyfriend's family
KC Concepcion gets approval from French boyfriend's family
Sharon, Gabby, Kiko approve of KC's French boyfriend
Sharon, Gabby, Kiko approve of KC's French boyfriend
KC Concepcion's French BF posts photo of her on Instagram
KC Concepcion's French BF posts photo of her on Instagram


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN