Joyce Pring on life after Sam YG: "Ang sarap na wala kang iniisip."

IMAGE Noel Orsal

For Joyce Pring, her work and her faith in God helped her move on fast from a heartbreak. "I just turned 25 this year, nandun na ako sa patanda na ako. May sarili na akong lugar, may sarili na akong hobbies. May sarili na akong life, ini-enjoy ko lang yung pagiging single," she said.


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na naging kasintahan ni Joyce Pring ang isa pang celebrity DJ at dating host ng Eat Bulaga! na si Sam YG.

Natatawa niyang komento tungkol dito, “Hay, naku, awat na, isang taon at kalahati na iyan,” na ang ibig niyang sabihin ay ganun na katagal simula nung maghiwalay sila ni Sam.

Sa mga posting sa kani-kanilang Instagram feeds noong magkasintahan pa lang ang dalawa, inakala ng marami na sa kasalan na mauuwi ang kanilang relasyon.

“Ang tagal-tagal na non,” sambit ni Joyce, “Oo siguro, hindi ko alam.

“Kasi siya naman yung dapat magtatanong non, I don’t know. But if serious relationship, serious naman talaga.”

Kinumpirma ni Joyce na maayos naman kapag nagkikita sila ni Sam.

Sabi pa niya, “Oo, kasi meron kaming mga brands na magkatrabaho kami or kaya sa radyo, sa show ganyan.”

So naging madali kay Joyce ang pag-move on sa breakup nila ni Sam?

Paliwanag niya, “Kailangan lang tumutok ka kay God, talagang naka-focus ka kay God, trabaho.

“Sobrang blessed ko kasi nung pagka-break namin, sakto GMA-7 kaagad after, nag-All Access ako kaagad. 

“Pagkatapos ng All Access, nag-The Clash na ako kaagad, ngayon nagi-guest sa Chika [Chika Per Minute].

"Ang daming trabaho right after na when I really thought about it, yung mundo ko nagbago agad.

“'Tapos umalis ako ng radyo so naging mabilis.”

Na-interview si Joyce ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang presscon proper para sa Top 6 finalists ng The Clash, ang reality talent search ng Kapuso network.

Ginanap ang event nitong Martes, September 25, sa 17th floor ng GMA 7 building.

HAPPY TO BE SINGLE

Masaya si Joyce dahil mas maaliwalas na personal life ngayon.

Aniya, “I’m so happy, ngayon ang saya-saya ko. Ang saya maging single, ang sarap na wala kang iniisip.

“I just turned 25 this year, alam mo yung nandun na ako sa patanda na ako in the sense na may sarili na akong lugar, may sarili na akong hobbies. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May sarili na akong life bukod pa sa family, ini-enjoy ko lang yung pagiging single.”

Pero inamin din niya na noong magkarelasyon pa sila ni Sam ay ramdam niyang ready na siya na magpakasal.

Saad niya, “Oo naman, well, ngayon parang hindi.

“Siguro dati, nong bata pa… in my head, when I was younger, sabi ko by 25 I’ll be married. 

“Now, I’m 25 parang hindi pa ako ready, ang dami ko pang kailangang abuting mga pangarap. 

“Ang dami pang adventures na gusto kong mapuntahan, gusto ko pang mag-aral abroad, gusto kong mag-travel.

“Nag-take ako ng Philosophy sa Oxford this year, nag-online uli ako. 

“Baka bumalik uli ako next year.  Mga three-months, three months lang, mabilis lang.”

Paano naman niya idi-describe ang relasyon nila ni Sam ngayon?

“I guess we’re civil, we’re not friends.  I mean, hindi naman kami nagkikita nang madalas, e

“But we’re civil.  Whenever I get to work with him, whenever I got to talk to him, we’re friends.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN