John Lloyd Cruz, Ellen Adarna "spotted" on the beach with their baby

IMAGE Courtesy: @maria.elena.adarna / @vania_carey on Instagram

John Lloyd Cruz and Ellen Adarna remain elusive after news about their relationship came out. The couple were recently spotted, reportedly with their baby, on a beach.


Sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna nga ba ang namataan ng publiko sa isang beach, kung saan makikitang hawak ng dalawa ang isang sanggol?

Pinag-uusapan ng netizens ngayon ang larawang na-upload sa isang gossip blogsite kung saan makikitang tila pinapaliguan ng mag-partner ang isang sanggol sa dagat.

Base sa mga komento, ang kasamang baby nina John Lloyd at Ellen ay walang iba kundi ang kanilang anak na si Elias Modesto.

Isinilang ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd noong June 27.

Huling namataan ng publiko ang showbiz couple sa isang party kasama ang ilang kaibigan noong September 8, 2018.

Samantala, mag-iisang taon na mula nang mag-indefinite leave sa showbiz si John Lloyd.

Hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung babalik ito sa trabaho dahil mukhang ini-enjoy niya ang kanyang buhay na wala sa limelight.

Hindi pa rin nagpapaunlak ng panayam sina John Lloyd at Ellen mula nang mabalitang buntis ang sexy star hanggang sa magsilang ito.

View this post on Instagram

#balut

A post shared by Photo Album (@peopleintheneighborhood) on


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN