Archie Alemania draws flak for linking Juancho Trivino to Maine Mendoza

IMAGE @archiealemania / @juanchotrivino / @mainedcm Instagram

Archie Alemania ribs Juancho Trivino about having a 'smooth-sailing relationship' with Maine Mendoza.


Umani ng pambabatikos si Archie Alemania sa paulit-ulit na pagbabanggit ng pangalan ni Maine Mendoza sa tuwing tinutukso nito si Juancho Trivino.

Base ito sa series of Instagram Stories ni Archie kung saan tatlong beses niyang inasar si Juancho tungkol sa "smooth-sailing" relationship nito kay Maine.

Sa unang video, madilim ngunit bahagyang maaaninag na tila nasa loob ng sasakyan sina Archie, Juancho, at ilan pang co-stars nila sa GMA-7 prime-time series na Inday Will Always Love You

Pangungulit ni Archie, “Juancho, question. Question lang, sagutin mo naman!”

Sagot ni Juancho, “Ano?!”

Tanong ni Archie, “Mahal mo ba si Maine?”

May isang boses lalaki ang humirit ng, “Quinto! Quinto, ha!”

Sabay natatawang panunudyo ni Archie, “Rufa Maine Quinto!”

Mas malinaw ang ikalawang video kung saan makikitang nasa isang restaurant si Archie at kaharap nito sa table sina Juancho at Ruru Madrid.

Dito ay kinukulit ulit ni Archie si Juancho na bigyan siya ng mga produktong ini-endorso ni Maine.

Sabi ni Archie, “Juancho! Bigyan mo naman ako ng ano... MAC naman diyan. Alam ko libre ka na ngayon sa MAC.”

May isang boses-lalaki na hindi kita sa camera ang humirit, “McDo din! McDo!”

Pang-aasar ulit ni Archie, “Hindi, si Maine kasi, ano di ba ng MAC yun? So puwede kang mamigay ng ano, makeup.”

Hindi kaila sa publiko na si Maine Mendoza ay kalulunsad lang bilang "MAC Maker" ng bagong lipstick shade ng nasabing cosmetics brand.

Ngunit hindi sumagot si Juancho—na magkahalong napapikit, napailing, at natawa sa pangungulit sa kanya ni Archie.

 IMAGE @archiealemania Instagram Story

ON JUANCHO'S "RELATIONSHIP" WITH MAINE

May isa pang video kung saan nagbigay pa ng pabirong mensahe si Archie para kina Juancho at Maine.

Ani Archie, “Happy ako sa ’yo, Juancho.”

Sagot ni Juancho, “Thank you, Kuya Archie.”

Sabay pang-aasar ulit ni Archie, “Na okey kayo ni Maine.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa puntong ito ay tinakpan ni Juancho ang mukha niya habang patuloy sa pagsasalita si Archie.

Dugtong ni Archie, “Maganda yung pinagsasamahan niyo ngayon. At least smooth sailing yung relationship niyo.”

Hindi nagustuhan ng fans ni Maine ang pandadawit sa dalaga sa panunukso ni Archie kay Juancho.  

Kasabay nito ay dumagsa ang mensaheng pambabatikos kay Archie sa social media at pag-repost ng fans ng videos ni Archie.

Nang i-delete ni Archie ang mga Instagram posts, ang sabi ng fans ni Maine ay natakot ito dahil sa pambabatikos ng fans.

Narito ang kopya ng videos ni Archie na nakalap ng netizens kagabi, September 28:

Sinagot naman ito ni Archie at sinabing binura niya ang videos dahil sa payo na rin ng kanyang manager.

ARCHIE'S LATEST STATEMENT

Ngayong Sabado ng umaga, September 29, muling nag-post ng Instagram Stories si Archie tungkol sa panunudyo niya kay Juancho.

Base sa magkakahiwalay niyang Instagram Stories, sabi ni Archie: "Medyo napuyat po ako kagabi. Si Juancho talaga at si ano...

"At least nasabi ko yung saloobin ko. Masaya po talaga sila. Ayokong makasakit kasi si Juancho dahil...

"Wala pong kinalaman si Juancho na binunyag ko po ang kanyang sikreto, na masayang-masaya po sila. At least okey po yung ano nila..."

Hindi na muling binanggit ni Archie ang pangalan ni Maine sa kanyang videos.

Sa huli ay inasar na lang niya si Juancho sa kapwa-Kapuso star nilang si Mikoy Morales.

"Kung may nasasaktan po at tinamaan at apektado sa videos ko po ngayong umaga...

"Basta ako as a friend of Juancho Trivino, masayang-masaya po ako sa pagkakaibigan nila ni Mikoy Morales. Yun lang po ang gusto kong sabihin." 


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN