Jonas Gaffud bats for acceptance of trans women in beauty pageants

IMAGE Screen grab from PEPtalk

Renowned beauty queen maker Jonas Gaffud believes that trans women should be allowed to join beauty pageants: "I agree. Before, I didn't agree. Siguro isipin natin, 2012, I wasn't agreeing pa. Ngayon, I agreed, nung na-open yung mind ko about ano ba ang transgender, ang trans woman, lalo na sa Europe at Amerika."

 


Dahil kilala siya bilang isang respected beauty queen maker, hiningan namin ng reaksyon si Jonas Gaffud tungkol sa pagsali ng mga transgender sa beauty pageants, partikular na ang pagsali ng Miss Spain 2018 na si Angela Ponce sa nalalapit na Miss Universe 2018 pageant.

Pabor ba siya rito?

“I agree.

“Before, I didn’t agree. Siguro isipin natin, 2012, I wasn’t agreeing pa.

“Ngayon, I agreed, nung na-open yung mind ko about ano ba ang transgender, ang transwoman, lalo na sa Europe at Amerika.

“Para sa kanila babae sila!

“They are 'she,' hindi sila 'he.'

“Kahit na… actually, kahit na hindi pa nagpa-opera, 'she' agad ang tawag.

“So ako, tanggap ko lang siguro kapag yung woman na talaga siya," pagtukoy niya sa nga trans women na operada na at babae na ang lahat ng bahagi ng katawan.

Patuloy niya, “Kasi pangarap nila yun, e.

“So I think it’s about time that we accept transgender as women talaga.”

Kaya pag may lalapit daw sa kanya na isang maganda at seksing transwoman at magpapa-train ay buong puso niya itong ite-train.

Pakli niya, “Why not?”

Nakapag-train na raw siya dati ng mga candidates ng Miss Gay-Manila.

Saad niya, “Ang gaganda!

“And ako pinaglalaban ko, dapat hindi na tawaging Miss Gay-Manila, dapat [Miss]
Transwoman [Manila].”

Hindi raw natuloy na baguhin ang titulo dahil mas sikat pa rin ang Miss Gay-Manila na title.

Hindi pa raw handa ang mga Pilipino na ituring na tunay na babae ang mga transgender.

“I don’t think ready ang Pinoy.

“Ang sa akin lang kasi, kultura yun, e.

“I mean, for me, not ready ang Philippines, yung backlash, di ba?

“But I hope in the future maging ready na matanggap sila,” dasal niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonas sa launch ng Empire.PH Studios sa Uptowm Mall sa Bonifacio Global City noong nakaraang Huwebes, September 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EMPIRE.PH

Tinanong din namin si Jonas tungkol sa pagkakaiba ng Mercator Artist & Model Management (na kilala sa pag-manage ng kanyang sikat na mga beauty queens) sa kanyang bagong venture, ang Empire.PH.

Sagot niya, “Mercator is modeling agency lang iyon, lahat ng modelling nasa Mercator.”

Nasa ilalim ng umbrella ng Empire.PH ang Mercator at iba pang departamento nito.

Sa ngayon ay pinakamalapit daw sa puso ni Jonas na departamento ng Empire.PH ay ang digital.

Pag-amin niya, “Kasi ever since nung nag-apply ako sa GMA, sa ABS-CBN nung nag-graduate ako, na hindi ako natanggap, I really wanted to produce shows.”

Pati raw ang pagiging PA o production assistant ay in-apply-an nya sa dalawang malaking newtorks.

“Siguro hindi para sa akin,” dagdag niya.

At ngayon nga na may sarili na siyang empire ay sa digital siya medyo mas tututok.

“Kasi yung studios na pagtuturo ng pageant kunwari, ongoing naman yun sa akin, e.

“Yung modelling ongoing, yung showbiz ongoing, yung digital, ito yung bagong venture ko.”

Ang ilan sa mga digital shows sa Empire.PH ay ang cooking show ni Pia Wurtzbach (The Beautiful Kitchen), Travel With Swag (ni Daniel Azurin), Game Of Crowns (ni Jonas at iba pang beauty pageant experts) at ang health and wellness show ni Daniel Matsunaga (The Process).

“Madami pa kaming balak na gawin next year.

“Sa ngayon, marami na kaming naka-up na shows, but yung mga ngayon, parang we just tested the waters, so ngayon nasa Facebook siya, may website, nasa YouTube.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonas sa launch ng Empire.PH Studios sa Uptowm Mall sa Bonifacio Global City noong nakaraang Huwebes, September 27.

Ang buong Empire. PH ay may studio rentals, Personality Development and Self-Improvement, Show and Tell (acting classes, etc.) Pageant Coaching, Royal Grooming, Modelling at Fitness and Wellness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PIA'S WAX MUSEUM STATUE

Masaya naman si Jonas na ang alaga niyang si Pia Wurtzbach ang pinaka-unang Pinoy na magkakaroon ng wax statue sa Madam Tussaud’s Wax Museum sa Hong Kong.

Lahad niya, “Ako ang nag-ayos nun, sa totoo lang.”

May kaibigan si Jonas na taga-PR department ng [PLDT] Ultera na siyang nag-ayos ng pagkakapili kay Pia.

“Kinukulit ko every week, 'Huy, ano ba, wala ka bang projects for my online show?' ganyan.

“Hanggang sa tumawag siya one day na may project si Pia, na dumating lang din sa kanila yun.

“Sila rin kasi ang PR ng Madam Tussaud’s.

“Tinawagan ko agad si Pia.

“Saktung-sakto, after a week na nakabakasyon kami papuntang US.”

Although sigurado na ito, marami raw itong proseso bago maisakatuparan.

Hindi pa alam ni Jonas ang eksaktong petsa ng paglalagay ng wax figure ni Pia sa naturang sikat na tourist attraction.

Sekreto pa rin daw kung ano ang suot na gown ng wax figure ni Pia sa Madam Tussaud’s.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN