Sophie Albert still optimistic despite dad's 17-year semi-comatose condition

IMAGE Rommel Gonzales

Sophie Albert on her dad's 17-year old case of mild stupor: "Actually, it's a miracle in itself, kasi di ba usually like pag bedridden, nagkaka-bed sore? Siya wala. Nothing. As in kapag tingnan mo siya, mukha siyang healthy, yung face niya…"


Kinumusta namin kay Sophie Albert ang kundisyon ng kanyang ama na labingpitong taon nang bedridden.

Pahayag niya, “He’s mild stuporous, that’s the ano…”

“It’s parang a stage higher than comatose.”

Ayon sa Wikipedia, ang kondisyong ito ay “characterized by the lack of critical mental function and a level of consciousness wherein a sufferer is almost entirely unresponsive and only responds to base stimuli such as pain. Those in a stuporous state are rigid, mute and only appear to be conscious, as the eyes are open and follow surrounding objects.”

“May times na tulog siya, may times na hindi, parang tayo pa rin.

“He can’t move on his own, he can’t speak, but wala siyang life support, nothing, and he can’t…

“And he feels pain, so yun yung situation niya,” malungkot pa niyang kuwento.

Nagsimula raw ito sa isang stroke/heart attack.

Lahad niya, “He was only forty-nine nung nangyari yun, and then ano, parang he was feeling bad for a long time.

“Kaso lang ano siya, takot siya sa doctor, so hindi siya nagpa-check until malala na.

“So on the way to the hospital nag-cardiac arrest siya sa car, so pagdating dun he was already unconscious.”

Hindi ba puwedeng operahan ang ama niya?

Aniya, “No e, kasi because of his heart attack and cardiac arrest.

“Nawalan siya ng oxygen sa brain.

“So his brain got damaged because of that.

“He has ano, parang mga supplementation medicines to balance his situation, but there's nothing really we can do for him.

“Actually, it’s a miracle in itself, kasi di ba usually like pag bedridden, nagkaka-bed sore? Siya wala. Nothing.

“As in kapag tingnan mo siya, mukha siyang healthy, yung face niya…

“Kasi dati nung nasa Makati Med pa siya, in Makati Med kasi yung ICU niya pabilog siya, tapos makikita mo lahat ng mga patients.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So pag matagal nang comatose, yung cheeks nagiging sunken na, pumapayat na.

“My dad hindi. Ano siya, healthy siya.

“Siyempre yung legs niya payat kasi hindi siya nakakalakad, pero his arms, his face, healthy, mapula-pula pa, yung ganun.”

Kaya ang ama niya ay isang 17-year miracle.

Saad niya, “I would consider it a miracle, kasi siyempre if he wants to go, he can go anytime.”

Handa ba sila kung sakaling mangyari ito?

Ani Sophie, “Well, it’s been 17 years, you know? So every year is parang, ‘O thank you, na he’s still with us.’

“But for me, if he’s tired and ano…”

Kung anuman ang itadhana ng Diyos.

Pagsang-ayon niya, “Of course, yeah.

“Oo, tsaka wala na yun sa hands namin, e.

“So that’s how we look at it, na it’s a miracle.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sophie sa taping ng Pamilya Roces nitong nakaraang Miyerkules, September 26, sa King’s Royale Hotel & Resort sa Bacolor, Pampanga.

Sa Pamilya Roces ay gaganap si Sophie bilang Amber Bolocboc.

Nasa Pamilya Roces rin sina Carla Abellana (as Crystal Rose Roces-Javellana), Christian Bautista (as Ralph Gomez), Rocco Nacino (as Hugo Javellana), Gabbi Garcia (as Jade Roces) at isa pang bagong Kapuso na si Jasmine Curtis–Smith (as Pearl Pineda).

Kasama rin dito sina Shaira Diaz (as Amethyst Roces) at Manolo Pedrosa (Gil Figueroa).

Sa direksyon ni Joel Lamangan, eere ito sa GMA simula October 8.

WEDDING RUMORS NOT TRUE

Hindi raw totoong magpapakasal na sina Sophie Albert at ang boyfriend niyang si Vin Abrenica.

Sa isang interview kasi ay sinabi ni Vin na handa na siyang pakasalan si Sophie.

“Sabi yata niya ready siya, pero hindi pa ngayon.

“Pero anytime siguro,” pagklaro niya.

Pero paano kapag biglang out-of-the-blue ay nag-propose si Vin?

Paninigurado niya, “Hindi, hindi niya gagawin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napag-uusapan naman namin na, ‘O, tayo na.’

“Parang may ano na, may…

“Ako feeling ko lang din, siya na.

“Siya din, sinasabi niya na feeling niya ako na, so kung mag-propose siya, alam naman din namin na kami na.

“So ganun, pero hindi ngayon, alam niya din na hindi ngayon, hindi puwede.”

Pareho raw silang career muna ang focus.

Aniya, “Oo, mag-iipon-ipon muna.”

Parehong galing sa TV5, ngayon ay nasa GMA si Sophie, at nasa ABS-CBN naman si Vin.

Hindi naman daw mahirap na magkaiba sila ng istasyong pinagtatrabahuhan.

Lahad ni Sophie, “Ako gusto ko siya, mas gusto ko na magkahiwalay kami.

“Kasi hindi masyadong nahahalo yung personal life namin sa work.”

Ginagaya ba nila sina Aljur Abrenica (na kuya ni Vin na Kapamilya rin) at Kylie Padilla na Kapuso naman?

“Oo, actually,” at tumawa si Sophie.

“Oo, kasi nung nasa TV5 kami parang wala na kaming ano, alam na namin lahat yung ano…

“Pero ngayon kasi nakakapagkuwentuhan kami, nasasabi niya, ‘Uy ganito kami dito,’ ako rin naku-kuwento ko na, ‘Ay, ganito kami dito.’

“'Tapos, naku-kuwento ko rin sa kanya yung mga nami-meet kong ibang artista.

“Siya din ganun. So parang mas interesting siya na magkahiwalay kami.

“Mas masaya siya, sa totoo lang.

“May pag-uusapan, may matututunan, kasi naku-compare namin yung mga trabaho namin, so mas gusto ko yun,” lahad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN