Loisa Andalio teases basher about marrying Ronnie Alonte: "Wait ka lang"

IMAGE Mark Atienza

Star Magic artists Loisa Andalio and Ronnie Alonte still mum about their rumored relationship. 


Hindi napigilan ni Loisa Andalio na sagutin ang basher na nagsabing maniniwala lang siyang mahal nga siya ng rumored boyfriend nitong si Hashtags member Ronnie Alonte kapag pakakasalan siya nito.

Sa Instagram post ng Kapamilya young actress nitong Linggo ng gabi, September 30, makikita ang selfie photo nila ni Ronnie kung saan nakayakap sa kanya ang binata.

Nakalagay sa caption, "Sorry po, he's mine."

May nagkomentong netizen dito na sinagot ni Loisa.

Sabi ni @allynzkietot, "Di woow!! Maniniwala nlng kme kung ikaw pinakasalan nea."

Tugon ni Loisa, "@allynzkietot Wait ka lang haha."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin direktang umaamin sina Loisa at Ronnie tungkol sa kanilang relasyon, ngunit madalas silang nagpu-post ng mga larawan nilang magkasama sa social media.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN