Is Julie Anne San Jose's crying emoji connected to Regine Velasquez's rumored network transfer?

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez keeps her silence amid rumors that she will transfer to ABS-CBN after not renewing her contract with GMA-7. Is Julie Anne San Jose's crying emoji related to this?


Mainit na pinag-uusapan ngayon ang posibilidad na pag-alis ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez sa bakuran ng GMA-7 at ang paglipat nito sa ABS-CBN.

Ayon pa sa usap-usapan, ang grand finale ng The Clash kagabi, September 30, ang huling appearance niya bilang isang Kapuso.

Pagkatapos nito ay magkakaroon ng series of concerts sa Amerika si Regine, at pagbalik niya sa Pilipinas ay magiging Kapamilya na diumano siya.

Pagkatapos ng grand finale ng The Clash ay nag-post si Regine ng mensahe sa kanyang Instagram account.

Dito ay binati niya ang nanalong si Goden Cañedo, pati na ang mga umabot sa Top 12.

Pinasalamatan din ng Asia's Songbird ang kanyang "GMA family" at ang lahat ng nanood ng The Clash.

Buong mensahe ni Regine: "Congratulations to our very first Clash winner, Golden Cañedo. Congratulations also to our top 12 we are so proud of all of you.

"Thank you to my GMA family for having me as your Clash Master. Thank you everyone for watching, one more time with feelings.

"The Clash isa laban sa lahat!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Super high notes."

Sa comments section, nag-iwan ng makahulugang mensahe ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose.

Sabi ni Julie Anne, "Miss you ate."

Sinamahan din niya ito ng "crying" at "heart" emojis.

Maraming mga programa at events na pinagsamahan sina Julie Anne at Regine sa GMA-7.

Ang pinakahuli nila ay ang 3 Stars, 1 Night concert nila sa Dubai, UAE noong June 2018, kung saan kasama rin nila si Christian Bautista. 


Stories We Are Tracking

Ogie on Regine's rumored transfer:
Ogie on Regine's rumored transfer: "Exciting times ahead"
Regine Velasquez attends ABS-CBN Ball 2018
Regine Velasquez attends ABS-CBN Ball 2018


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN