Vice Ganda criticized for wearing designer outfits at ABS-CBN Ball

IMAGE Mark Atienza / @praybeytbenjamin on Instagram

Vice Ganda lashes back at netizen who criticized him for wearing expensive designer outfits at the ABS-CBN Ball.


Sinagot ni Vice Ganda ang isang netizen na pinuna ang magarbong outfit ng It’s Showtime host sa ginanap na ABS-CBN Ball nitong Sabado, September 29.

Ang mga outfit na isinuot ni Vice ay ginawa ng mga kilalang fashion designers na sina Michael Cinco, Paul Cabral, at Furne One Amato.

Kung marami ang namangha sa mga outfit na isinuot ng comedian-TV host sa ABS-CBN Ball, isang netizen ang tila hindi pabor dito pati na sa magarbong pagdiriwang ng Kapamilya stars.

Mensahe ng netizen, "Kung nadonate na lang sana mga pinagpagawa ng mga gown, yung ginastos sa makati shang, sana mas madami fund na napunta sa bantay bata. Just saying. No hate."

Maliban sa pagtitipun-tipon ng mga artistang nasa bakuran ng Kapamilya network, ang ABS-CBN Ball ay isa ring charity event para sa Bantay Bata.

Ang Bantay Bata ay ang social welfare program ng Lingkod Kapamilya Foundation na itinatag noong 1997 at naglalayong protektahan ang mga "disadvantaged and at-risk children" sa pamamagitan ng "nationwide network of social services."

Hindi pinalampas ng 42-anyos na Kapamilya star ang komento ng netizen.

Buwelta ni Vice, “At kung tumulong ka din sana kesa magbunganga at mang nega baka nakadagdag ka sa mga nalikom na pera. Just saying. No hate.”  

Umani naman ng suporta si Vice mula sa kanyang followers.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN