Vic Sotto says Maine Mendoza is now enjoying being a performer

IMAGE Rose Garcia / Instagram

Vic Sotto praises comedic talent of Maine Mendoza: "Alam kong makaka-deliver siya. She has a very good timing. Dun mo makikita yung mga snippets, pagbitaw ng punchline, timing, meron siya."


Hindi na bago para kina Vic Sotto at Maine Mendoza ang gumanap bilang mag-ama.

Gumanap silang mag-ama sa pelikulang My Bebe Love (2015) at sa Eat Bulaga! 2018 Lenten special na "Taray Ni Tatay."

At mauulit ito sa upcoming sitcom ng GMA-7 na Daddy's Gurl.

Ayon kay Vic, “It’s my first time to work with her in a sitcom, sa pelikula, meron na.”

Unang sitcom ito ni Maine at komento pa ni Vic, “She’s a good actress.

“And we felt na she deserves to be na mabigyan ng role sa sitcom, sa pelikula, medyo pa-cute-pa-cute, acting-acting.

“Pero yung full comedy talaga, it’s a first for Maine.

"Alam ko na bago pa lang kami nagsisimula, alam kong makaka-deliver siya.

“She has a very good timing, if you get to watch yung mga 'Barangay Joker,' yung 'Pamilya Nunal…'

“Dun mo makikita yung mga snippets, pagbitaw ng punchline, timing, meron siya.

“May laman siya, may dating siya. Hindi siya yung basta binasa lang ang script, sinaulo lang ang script.”

Pahabol pa ng batikang comedian, “Nagpirmahan na kami ng kontrata… sa father-daughter, may forever.”

Maliban dito, mag-ama muli sina Vic at Maine sa Jack Em Popoy: The Pulis Incredibles na entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

LIKE A DAUGHTER

Kahit sa totoong buhay, parang anak-anakan na rin daw ang turing ni Vic kay Maine.

Saad niya, “Noon pa naman, e, alam niyo naman ang TVJ [Tito, Vic, and Joey] basta may inalagaan.

“Hindi lang basta alaga, e, yung personal na attachment sa amin.

“Lahat ng nagdaan sa amin, kahit yung mga bata.”

Ang tinutukoy ni Vic ay sina Aiza Seguerra, Ryza Mae Dizon, at Baeby Baste.

“Si Jimmy Santos!” hindi mapigilang hirit pa ni Vic.

Seryosong pagpapatuloy nito tungkol kay Maine, “Yun talaga, parang anak na.

“Natatandaan ko nga sa movie namin na My Bebe Love, nasa parada kami, bigla siyang nagsalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Bossing, bagay talaga tayong mag-tatay?’ Sabi ko, ‘Oo nga.’”

Nanghihingi rin ba ng payo sa kanya si Maine?

"Paminsan-minsan, pero ang totoo, she’s a very shy person. It takes time for her to be very comfortable.

“Parang ako lang iyan, madalas mapagkamalang suplado sa personal, buti pa sa TV, kumakaway.

“Pero ganun ako, e, mahiyain ako. Tahimik lang ako. Ako ang mas tagapakinig sa grupo.”

Talkative daw kasi ang barkada niya sa Eat Bulaga! na sina Joey de Leon at ang older brother niya na si Senator Tito Sotto.

Natatawang sambit ni Vic, “Kung magsasalita pa ako, sino pa ang makikinig sa kanila?”

WATCHING OVER MAINE

Dahil nagsimula talaga sa Eat Bulaga! si Maine, masasabi raw ni Vic na nakita niya ang growth nito bilang actress.

“Of course, simula nang makilala ko siya sa Dubsmash, sa Aldub, makikita mo yung development niya.

“Yung pag-level up niya as an actress kasi dati, I must admit, parang hindi niya feel. 

“Basta enjoy lang siya sa ginagawa niya. Pero nakita ko ang pag-progress niya as a performer.

"Kapag sinabi mong performer, kasama na lahat diyan... ang social media, telebisyon, pelikula, commercial, yung mga endorsements, kasama na lahat yun.

“As a performer, nakita ko at naramdaman ko—namin, hindi lang ako—na nabubuo na, nasa sistema na niya.

“Hindi na yung, ‘Gagawin ko ‘to kasi pinapagawa sa akin.’

"Hindi e, gusto na niya talaga. Nakikita ko, enjoy siya."

Wala raw talaga sa loob ni Maine na pasukin ang showbiz nang bigla na lang nakilala ito sa Eat Bulaga.

Kuwento ni Vic, “Kahit panoorin niyo ang audition tape niya sa Eat Bulaga.

“Ang mga tanong sa kanya, ‘Marunong ka bang sumayaw?’ ‘Hindi po.’

“‘Marunong kang kumanta?’ ‘Hindi po.’

“‘Ano ang alam mo?’ ‘Dubsmash po.’ She was not aware.

“Kung nagbago man siya, on a positive note. Sabi ko nga, mas feel na niya, mas enjoy na niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dati, pakiramdam ko parang burnt-out na siya. Ako ha, personally, naramdaman ko yun.

“Actually, ang key word dun ay enjoy, katulad namin habang tumatagal.

“Enjoy kami sa ginagawa namin. Sa Eat Bulaga, enjoy kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN