Sharon Cuneta furious with Kris Aquino's financial abuser

IMAGE Noel Orsal / FM Ganal

Megastar Sharon Cuneta takes to social media to air how infuriated she is with Kris Aquino's financial abuser. Sharon also reveals that she knows this person whom Kris spoke highly of in the past.


Nagpupuyos sa galit ang Megastar na si Sharon Cuneta dahil apektado siya sa problemang kinahaharap ngayon ng kaibigan at kapwa celebrity na si Kris Aquino.

Kaugnay ito ng pagtraydor diumano kay Kris ng isang pinagkatiwalaan nitong tao at umabot pa sa usaping legal na lubos na nakaapekto sa kalusugan ng TV host/actress/social media influencer.

Noong nakaraang linggo, ibinunyag ni Kris ang panloloko ng isang taong pinagkatiwalaan niyang patakbuhin ang kanyang production company at hawakan ang endorsement deals niya sa loob ng higit isang taon.

Ibinahagi rin ni Kris na nanganganib mawala sa kanya ang milyun-milyong halaga ng perang pinagpaguran niya para sana sa kinabukasan ng dalawa niyang anak.

Sa payo na rin ng kanyang legal team, nagbakasyon muna si Kris at lumipad sa Singapore para sumailalim ng medical treatment matapos maapektuhan ng kinasasangkutang legal matter.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino loses weight due to current upheaval
Kris Aquino loses weight due to current upheaval
Kris Aquino to
Kris Aquino to "use all legal means" vs man who betrayed her
Kris vows to seek justice against unnamed
Kris vows to seek justice against unnamed "financial abuser"
Kris betrayed by trusted person over money issues
Kris betrayed by trusted person over money issues

SHARON IS TRIGGERED

Nitong Lunes ng gabi, October 1, nag-post ng mahabang mensahe si Sharon sa Instagram bilang pakikisimpatiya kay Kris.

Kalakip ng screenshot ng official statement ng mga abugado ni Kris, inihayag ng Megastar ang kanyang saloobin tungkol sa kinahaharap na problema ng kaibigan.

Ayon kay Sharon, nanghina siya dahil umabot pa sa puntong kinailangang magkaroon ng medical treatment ni Kris sa ibang bansa dulot ng problema nito.

Patuloy niya, “Second, I AM INFURIATED. I AM SO ANGRY AT WHAT KRIS HAS HAD TO PUT UP WITH THAT IT ALL, NO DOUBT, HAS ADDED TO HER ALREADY HUGE CONCERNS AND AGGRAVATED THEM (That is putting it mildly. I wouldn’t be surprised if it even started or triggered all her health problems. If it was THE cause.)”

Base sa post ni Sharon, kilala niya ang tinutukoy na tao ni Kris na nanloko sa kanya.

Saksi raw ang Megastar kung paano pinagkatiwaan ni Kris ang taong ito.

Buwelta ni Sharon sa taong tinutukoy ni Kris, “How could you bite the hand that 'feeds' you?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And much, much more than that, HOW DO YOU BETRAY SOMEONE WHO PUT ALL HER TRUST IN YOU, AND, EVEN TO ME, ALWAYS SPOKE SO HIGHLY OF YOU AND HELD YOU IN THE HIGHEST REGARD to the point na natanong ko pa si Kris kung wala bang kakambal ang taong yan para blessed din ako in the areas of her life that he was involved in?!

"Tapos babaligtarin si Kris."

Hindi rin maiwasang maka-relate ni Sharon sa pinagdadaanan ni Kris.

Saad ng singer-actress, “Actually, because of this, I am now also moved to finally post about those employees na ninakawan at niloko din ako and/or kami ng pamilya ko.

"Isa-isa ko silang ipapakilala sa inyo para kung sakaling makilala niyo, huwag kayo magkamaling pagtiwalaan sila."

PRAY FOR KRIS

Nakiusap si Sharon sa kanyang followers na ipagdasal na malampasan ni Kris ang pinagdadaanan nito ngayon.

“I AM SO FURIOUS BUT WHAT I WILL ASK ALL OF YOU TO PRAY FOR ASIDE FROM GOD’s PUNISHMENT FALLING ON THESE TRAITORS SOON, IS FOR KRIS’ GOOD HEALTH.

“PLEASE PRAY FOR ALL TO BE WELL WITH HER.

“I KNOW THAT OUR ALMIGHTY FATHER STILL HAS BIG PLANS FOR KRIS TO DO HIS GOOD WORK AND SHE HAS TWO SONS SHE LIVES FOR. FOR THEM AND FOR US, SHE SIMPLY CANNOT BE SICK.

“Thank you everyone. God is watching.”

Nag-iwan din ng mensahe si Sharon para kay Kris:

“You are covered by the blood of Jesus, Beej. No weapon formed against you shall prosper, in Jesus’ Name. Besides, good ALWAYS wins. Love you. We are praying for you. We are just right here. God bless you. Hang on to Him tight. Always, Ate S.”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN