Mike de Leon fires back at netizens opposing his stand against ABS-CBN Ball

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @robblancaflor on Instagram

Mike de Leon laments at netizens lambasting him for his stand against ABS-CBN Ball 2018: "People now become more upset by a legitimate question about priorities (like this ball) than the political hellhole we all find ourselves in presently."


Binatikos ng maraming netizens ang batikang direktor na si Mike de Leon dahil sa kanyang pagkuwestiyon sa grandiyosong pagtitipon katulad ng ABS-CBN Ball 2018, gayong laganap ang diumano'y patayan at pagkagutom sa bansa.

Base ito sa pahayag ni Direk Mike na nakalathala sa Facebook page ng pelikula niyang Citizen Jake kahapon, Oktubre 1.

Hindi nagustuhan ng halos karamihan sa nakabasa ng kanyang post ang paghalintulad ni Direk Mike sa ABS-CBN Ball sa mga magarbong party ni dating First Lady Imelda Marcos, noong panahon ng panunungkulan ng yumaong President Ferdinand Marcos Sr. 

Si Imelda ngayon ay kongresista ng second district ng Ilocos Norte.

Sabi ng ilang netizens:

Sa kanyang Facebook post kahapon, walang isinulat na caption si Direk Mike sa quote card ng kanyang pag-alma sa umano’y walang kawawaang paggasta ng mga artista sa ABS-CBN Ball.

Pagkatapos ng ilang oras, dinagdagdan ng acclaimed director ang kanyang post matapos itong pag-usapan ng netizens sa social media. 

Dismayado si Direk Mike dahil tila mas pinahahalagahan ng netizens ang usapang showbiz kaysa mas importanteng isyu sa bansa.

Inihalintulad pa ni Direk Mike ang showbiz sa “opium” na lumalason sa pag-iisip ng bayan.

Pahayag ni Direk Mike: "Bato-bato sa langit... ang tamaan... 

"At salamat sa lahat ng mga nag-comment. 

"It should now become even more clear to thinking Filipinos that religion is no longer the opium of the people, it is showbiz. 

"People now become more upset by a legitimate question about priorities (like this ball) than the political hellhole we all find ourselves in presently. 

"We are truly a damaged people. Kaawa-awang Pilipinas..."

">


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN