Kris Aquino gives update on her health

IMAGE Cyrus Panganiban /@krisaquino on Instagram

Kris Aquino: "I don't dare ask you to pray for me- i now completely surrender to God's merciful care. Pero kakapalan ko po ang mukha ko at makikiusap: please PRAY for my 2 sons, Josh and Bimb..."

 


Nagbigay ng update si Kris Aquino sa estado ng kanyang kalusugan.

Sumasailalim ngayon si Kris sa medical tests sa Singapore sanhi ng pagbagsak ng kanyang timbang at iba pang health concerns dulot ng kinakaharap na problema.

Ito matapos umano siyang lokohin ng taong pinagkatiwalaan niyang patakbuhin ang kanyang production company at hawakan ang endorsement deals niya, kung saan milyun-milyong pisong investment at assets niya ang nakokompromiso.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino loses weight due to current upheaval
Kris Aquino loses weight due to current upheaval
Kris Aquino to
Kris Aquino to "use all legal means" vs man who betrayed her

Sa kanyang Instagram account nitong Lunes ng gabi, October 1, ipinaalam ni Kris sa kanyang followers ang kalagayan niya ngayon.

Ani Kris, ang medical tests na ginawa sa kanya noong nakaraang linggo sa Pilipinas “had results no longer as good as those from San Francisco in March 2018.”

Kinausap daw niya ang bunsong anak na si Bimby para ipaunawa rito ang kanyang kalagayan.

“My 11 year old needed the assurance that his mama would fight bravely because my tests start tomorrow [October 2].”

Para sa magandang balita, negatibo raw sa tumor si Kris.

“Because of my very evident weight loss i had tests done to specifically answer that fear," mensahe niya.

Gaya ng nabanggit ng legal counsel niyang si Attorney Sigfrid Fortun sa isang press release, ipapatingin daw ni Kris ang problema niya sa hypertension, severe allergies, at migraine.

Ipinaliwanag din ni Kris kung bakit sa Singapore siya magpapatingin.

“But we flew to Singapore to see one specialist for 3 areas of my health that needed to be immediately addressed with appropriate treatment for me to have the best chance to regain my health.”

Inspirasyon daw ni Kris ang inang si dating Pangulong Corazon Aquino, na noong nabubuhay pa ay patuloy na lumaban para sa kanyang mga anak sa kabila ng pagkakaroon ng terminal cancer.

“I am my mother’s daughter because i strive to be the mother i had growing up—someone who LOVED & fought for her children unconditionally.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“DON’T PRAY FOR ME”

Sa pagtatapos ng kanyang post, sabi ni Kris, “I don’t dare ask you to pray for me- i now completely surrender to God’s merciful care.

“Pero kakapalan ko po ang mukha ko at makikiusap: please PRAY for my 2 sons, Josh and Bimb...

"kahit sinong magulang maiintindihan po ako, gagawin natin ang lahat wag lang masaktan, ma-agrabyado, o mahirapan ang mga pinakamamahal nating mga anak.

"Isasakripisyo natin ang lahat masiguradong okay sila. That’s what happens when you become a parent, you wholeheartedly surrender being number 1."

Una nang nag-post si Sharon Cuneta sa Instagram para ipahayag ang pakikisimpatiya kay Kris dahil sa pinagdadaanan nito.

Nakiusap din ang Megastar sa kanyang followers na ipagdasal si Kris.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta furious with Kris Aquino's financial abuser
Sharon Cuneta furious with Kris Aquino's financial abuser

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN